Ch8: Ang Aking True Love

2.5K 62 8
                                    

Jake’s POV

Nung isang araw nakita ko siyang umiiyak, nabunggo pa nga niya ako eh kaso hindi niya ata napansin kasi dirediretso lang siya, nakita kong galing siya nun sa room kaya tinignan ko anong nangyayari, pagkapasok ko nakita ko yung scene nila Chelsea at Patrick, panigurado nasaktan yun.

Ngayon naman nakikita ko si Maddy na ikinakasal kay Patrick, kahit na fake lang nakita kong nakangiti na siya, buti naman, ako kasi yung nagpalista sa pangalan nila dun sa marriage booth ng mga third year, gusto ko kasing makitang masaya siya kahit saglit lang

Nandito lang ako sa may likod tinitignan yung magandang scene na nangyayari sa may altar, masaya na ko kahit makita ko sila sa malayo lang

Nagpapalitan na kasi sila ng singsing, ang sweet nila tignan, bagay na bagay sila, kung hindi lang sana bawal magkaroon ng girlfriend tong si Patrick eh di sana sila na ni Maddy.

Simula nung tulungan ko si Maddy mas naging close kami ni Patrick, nakwento na niya sakin na bawal siyang magkaroon ng girlfriend bukod sa 1st year highschool palang kami, meron na kasing nakalaan sakanya, arrange na kasi siya, meron na nga daw siyang fiancée, pero hindi pa daw niya alam kung sino, tsaka kung magkakaroon daw siya ng girlfriend baka magkagulo lang

Pamilya kasi nila Patrick ang may-ari ng school na to pero walang nakakaalam sa mga schoolmates namin, gusto kasi niya na low-profile lang siya kaya ayaw niya na may ibang makakaalam.

Kaya if ever ngang may kumalat na issue na may nalilink sakanya or what, malalaman agad ng mga magulang niya, at natatakot nab aka may mangyaring hindi maganda dun sa babaeng gusto niya pag nalaman ng parents niya

Lumabas na ko ng chapel, ayoko kasing makita pa nila ako,

“Jake! Anong ginagawa mo diyan? Magpapakasal ka ba? Hahaha!”

Shit si Chelsea! Kailangan ko siyang ilayo dito.

“hi-hindi no, ha-ha-ha! Halika Chelsea samahan mo muna ako dun”

Hindi ko na hinitay yung sagot niya, agad ko nalang siyang hinatak palayo sa chapel, ayokong masaktan pa yung babaeng mahal ko. oo si Chelsea talaga yung mahal ko kahit na alam kong si Patrick yung gusto niya, kaya nga nung nalaman ko yung dahilan ni Patrick tinigilan ko na yung pagiging sweet ko kay Maddy.

Maddy’s POV

“Renzie, thank you”

Sinamahan ako ni Renzie ditto sa may changing room, tapos na kasi yung kasal kaya kailangan ko ng magpalit,

“Wala yun, basta kung feel mo nang magkwento nandito lang ako ha?”

Niyakap ko si Renzie ng sobrang higpit

“salamat talaga, salamat at naiintindihan mo ko Renzie”

Binitawan ko na siya at binigyan ko siya ng isang ngiti

Bumalik na kami ni Renzie kung nasan sila Gabby, ibabalik ko na sana yung singsing sa mga third year pero sabi nila sakin nalang daw yun, remembrance na daw yun tsaka may binigay pa silang isang picture sakin kung saan nagpapalitan kami ng singsing ni Patrick

First day palang ng foundation ang saya na, sana sa mga susunod mas lalong sumaya.

Pagkalabas namin sa may chapel ay biglang may humatak sakin, nasa hulihan ako maglakad kaya walang nakapansin na may humatak na pala sakin

Pagtingin ko dun sa humatak sakin, nagulat ng Makita ko kung sino siya

“Patrick……bakit mo ko hinatak?”

Imbes na sagutin yung tanong ko ay hinatak lang niya ako papunta sa may tabi nung storage area ng gym, hinawakan niya yung magkabilang braso ko at sinandal ako sa may dingding

“Maddy, makinig ka sa sasabihin ko”

Napatingin ako sa mga mata niya, ang ganda pero parang pag tinitignan ko yung mga mata niya parang may nararamdaman akong gusto niyang iparating

“Maddy…….. I lo-love you…..can you be my secret girlfriend?”

He loves me?

Mas lalong bumilis yung tibok ng puso ko, para bang nagwawala ito, iniwas ko yung tingin ko kay Patrick at saka ako nagsalita

“Secret? Bakit secret? Takot ka ba na malaman ng ibang tao na isang panget na katulad ko ang magiging girlfriend mo?”

Hinawakan niya yung baba ko at inangat ito, dahilan para magtagpo ulit ang aming mga mata

“Please Maddy….i need you…I want you….i do love you…trust me”

“mahal mo ko? pero bakit kailangan pang isekreto?”

“Dahil……”

Inexplain sakin ni Patrick lahat, yung tungkol sa fiancée niya na hindi pa niya nakikita, yung tungkol sa kasal na mangyayari in the near future, lahat lahat

“Pero pano kung dumating na yung oras na makilala mo siya? Naisip mo ba yung mararamdaman ko? hindi ba magmumuka akong tanga? Para mo lang pinaasa yung damdamin ko Patrick”

Nagulat ako ng yakapin ako ni Patrick, mas lalong humihigpit yung yakap niya sakin, naramdaman ko na lang na basa na yung balikat ko, umiiyak siya? Ganun ba niya talaga ako kamahal? Pero pano na yung pangako k okay Chelsea? Hindi ba pwedeng maging selfish muna ako?

Niyakap ko si Patrick ng mas mahigpit at sinabing

“Wag ka na umiyak, pumapayag nako……mahal kita Patrick”

“mahal din kita Maddy….mahal na mahal”

Kumalas siya sa pagkakayakap sakin at naramdaman ko nalang na naglapat ang mga labi namin sa isa’t-isa. Eto ang unang pagkakataon na sumugal ako.

Sana…..

Sana lang talaga….

Tama lahat ng desisyon ko… 

--------------------------------------------------------

[A/N]: ito na yung start ng pagiging mag secret boyfriend/girlfriend nila. hihihihi. ngayon palang nagsisimula ang lahat (>/////////////<)

Keep on Reading!! 

love-love

~ Jaz

Her Secret BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon