Ch9: Lie about us

2.7K 49 8
                                    

*Role Playing* 

Nagiwan ako ng isang sulat para sakanya, nilagay ko to sa table sa tabi ng kama niya, tinignan ko ulit ang muka niya at saka hinalikan sa noo

“Paalam na, I loved you and I will always will”

Umalis na ko sa condo niya at dimeretso sa kung saan man ako dalhin ng kotse ko

Patrick’s POV

May narinig akong pagbukas ng pintuan, siguro umalis na siya, bumangon ako para ayusin ang sarili ko, may usapan kasi kami na mamayang gabi sasabihin na namin sa pamilya namin na may namamagitan saaming dalawa

Papunta na sana ako sa kusina ng mat mapansin akong papel sa table malapit sa kama ko, binuksan ko ito

Para sa aking minamahal,

Unang una gustong magpasalamat sayo dahil naranasan ko ulit ang magmahal at mahalin, nagging masaya ako kagabi at isa ito sa mga ala-alang hinding hindi ko makakalimutan, mahal na mahal kita alagaan mo sana ang sarili mo, pinangako ko sa sarili ko na hindi na ko manggugulo sainyong dalawa kaya patawarin mo ko kung aalis ako ng walang paalam, ito lang kasi ang naiisip kong solusyon, una palang kasi kung hindi ako nanggulo sainyong dalawa hindi magkakaganito ang lahat. Patawad, patawarin mo ko. Sana maging masaya ka kahit wala na ko sa tabi mo.

Nang matapos kong basahin yun agad kong nilukot ang papel at agad nagbihis para sundan siya

Hindi ako makakapayag, pagkatapos ng lahat ng pinagdaan namin ganito lang ang mangyayari? Tatakas na lang ba siya? Akala ko ba sabay naming haharapin ang lahat ng pagsubok?

Sumakay ako ng kotse at agad nagdrive, hindi ko alam kung saan ko siya hahanapin basta ang alam ko lang ay kailangan ko siyang makita.

 Huminto ako ng may Makita akong isang senaryo na nangyayari sa may kalsada, nagkukumpulan doon ang mga tao, bumaba ako upang tignan yun, alam kong wala akong panahon para tignan yun dahil ang kailangan ko lang gawin ngayon ay ang Makita siya, pero may kung anong pakiramdam ang humihila sakin para pansinin yung nangyayari ngayon

Nagulat ako ng Makita ko ito, isang babaeng duguan at walang malay, sabi ng mga tao sa paligid sinaksak daw siya nung lalaking mukang snatcher, lumapit ako ng tignan kung sino, hindi ako pwedeng magkamali,

“BAKIT WALANG NI ISA MAN LANG ANG MAGDALA SAKANYA SA OSPITAL?!”

“Tumawag na kami ng ambulansya, kaya hinihintay na lang namin”

“PUT*NGIN*! WALA BANG MAY ALAM NG FIRST AID SAINYO! KUNG HIHINTAYIN PA NATIN ANG AMBULANSYA MAMATAY NA SIYA!”

Binuhat ko ang babae at agad sinakay sa kotse ko, dinala ko agad siya sa pinakamalapit na ospital

Pero huli na ang lahat, dineklara siya na dead on arrival, ang tanga tanga ko, habang nagpapakasaya ako, hindi ko man lang inalam ang mararamdaman niya, hindi ko man lang tinignan kung ok ba siya o kung masaya ba siya ngayon,

“AHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!” 

Napasigaw nalang ako sa ospital, humagugol ako sa iyak, wala akong pakealam kung anong sabihin ng mga taong nakakakita sakin, sobrang sakit ang nararamdaman ko ngayon, nawawala si Aria, tapos ngayon namatay si Marie, pero ang mas masakit ay pati ang sanggol na magiging anak sana naming ni Marie ay namatay.

Napakatangga ko, dahil sa isang desisyon, maraming buhay ang nagulo at nasira, napagagong lalaki, hindi ko inisip kung ano ang magiging resulta ng desisyon ko.

Habang patuloy ang pagtulo ng luha ko, ay napatingin ako sa tv screen na nagplaplay sa may ospital, nagulat ako sa balita, mas lalo akong nanlumo, parang kahit anong oras mawawalan ako ng malay

Her Secret BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon