Chapter 18: Three is a Crowd

2K 55 2
                                    

[Andy's POV]

"Bakit wala si Victor?"  tanong ko kay Ethan... ano ba naman ito... kulang na lang lagi kami, wala na nga si Shannen, hindi pa sasama itong si Victor...

"Naku! Baka kasama nun si Shannen.. " sabi saken ni Ethan.. si Victor at si Shannen magkasama?

"May relasyon ba sila?" tanong ko kay Ethan na natatawa..

"Wala naman, pero mukhang naawa si Victor nung nakwento ko yung ginawa ni Shannen. Don't worry hindi naman yun ipagkakalat ni Victor kaya niyang magtago ng secret." sabi naman sakin ni Ethan ng nakangiti...

[Ethan's POV]

Nginitian lang naman ako ni Andy dun sa sagot ko, pero kung aamin lang ako ah. Mas gusto ko yung ganito, yung wala masyado si Victor tiyaka si Shannen.

Mas more time kasi para magbonding kami ni Andy.

Kahit na pretend lang yung pagiging kami. Ok na yun. At least kahit papano na experience ko...

"Ui Andy!! Sabay ako sa inyo ah!!"napatingin kami pareho ni Andy at nakita ko yung lalaki na nandun sa locker niya..

"Bakit ka dito uupo?" tanong ko sa kanya... bad iming talaga itong lalaki na ito..

"Wala na kasing maupuan, puno na yung tables." sabi niya saken tapos ngiti kay Andy..

Tinignan ko yung ibang tables, eh halos wala pa namang tao... ilang tables pa nga lang ang may tao kasi yung iba napila pa lang, yung iba naman di pa dumadating sa cafeteria.. Nanloloko ba siya??

"Hindi pwede." sabi ko sa kanya.. umalis ka naman!!

"Hindi naman ikaw tinatanong ko eh... Andy pwede ba?" tumingin siya kay Andy... eh mabait yang si Andy, edi panigurado ang sagot niyan ay..

"Oo naman Aldrin." Aldrin pala pangalan niya.. ang panget naman..

Dun sa table magkatapat kami ni Andy tapos dun pa sumiksik si Aldrin sa tabi ni Andy.

"Andy, tabi ka saken. Dali na!" sabi ko kay Andy na may kasamang panlalambing, natawa naman si Andy.. hanggang sa na realize niya nagpapanggap nga pala kami... so ayun lumipat siya.. Hahahaha!! Asar siguro sakin itong si Aldrin..

Nakain na kaming tatlo ng..

"Kayo ba?" tanong ni Aldrin..

[Andy's POV]

"Kayo ba?"  tanong ni Aldrin..

Napatingin naman ako kay Ethan, mukha naman siyang kalma..

"Oo, at mahal na mahal namin isa't isa." grabe itong si Ethan. Ang galing umarte. He say's it like he means it. Isang bagay na hindi ko kayang gawin dahil nagkataon hindi ako nabiyayaan ng talent na acting. -________________________-

Ngumiti lang ng bahagya si Aldrin tapos nagumpisa ng kumain..

"Pano kayo nagkakilala ni Andy?" tanong namin ni Ethan kay Aldrin..

Ngumiti si Aldrin.. ^____________________________________^

"Nagkakilala kami ni Andy sa library, hinihintay niya kasi admirer niya tapos di niya napansin na nandun ako nabagsakan pa niya ako ng libro sa ulo. Tapos ayun nilibre niya ako ng lunch tapos naging close agad kami." hindi ko naman nakwento kay Aldrin yung tungkol sa admirer ko ah? Hindi na lang ako nagsalita at kumain ng kumain, sarap kaya kumain..

"Ah ganun ba. Too bad dun sa admirer niya kasi ako na ang boyfriend ni Andy ngayon.." ano ba naman itong dalawang ito... napaka awkward nila magusap...

"Oo nga eh.. " sabi ni Aldrin habang nakatingin sa pagkain niya, sabay tingin sakin...

"Nga pala Andy. Pwede ka ba sa saturday?" tanong sakin ni Aldrin pero bago pa ako makasagot..

"Hindi siya pwede, may date kami..." bigla ng sinagot ni Ethan siya..

"Ah ganun ba? Sige next time na lang sige alis na ako.."

Pagkaalis ni Aldrin tuming ako kay Ethan at ang mukha niya ay..

^________________________________________________________________^

"Bakit mo naman sinabi yun? Nakikipagkaibigan lang naman yung tao.." sumimangot ng konti si Ethan..

"Tumingin ka sa paligid." bulong niya saken...

At meron palang mga ETHANians na malapit sa table namin at nakikiramdam sa pinaguusapan naming tatlo... Mga eavsdropper.

Akala ko naman sinabi yun ni Ethan kasi ayaw niyang sumama ako sa ibang lalaki kasi concern siya... na baka ma in love ako sa iba. -_________________- ang feelingera ko.

Sa bagay concern naman siya na baka magduda sakin ang mga ETHANians at panigurado war nanaman ito.. Me against all of them. At ayaw niyang mangyari yun..

Pero nagtataka lang talaga ako.. naalala ko lang..

Paano nalaman ni Aldrin yung tungkol sa admirer ko?

Dear SoulmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon