Chapter 6: ETHANians

4.1K 92 10
                                    

[Ethan's POV]

*riiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing*

break na!! nag ring na yung bell... hinanap ko agad si Victor para sabihin sa kanya na nahanap ko na si Andy. At  ayun nakita ko siya sa cafeteria..

"Victor!!" sigaw ko sa aking bestfriendd na nakain ng  spaghetti....umupo agad ako sa tabi niya....

"Nakita ko na siya!! Sabi ko naman sayo!! Nandito siya, maganda paren at may course na Tourism!" tumigil siya sa pagkain, dahil mukha na siyang interesado sa mga pinagsasasabi ko...

"San mo siya nakita?" tanong niya saken... syempre di ko sasabihin sa kanya na nagkakialala kami sa girls' cr

"Basta kanina nakita ko siya nung tumatakbo ako mula sayo.." biglang naanlaki yung mata niya..

"Yung sumbrero ko nga pala!!"  sigaw niya saken..

Kinuha ko yung sumbrero na sinuksok ko sa bulsa ko sa likod.. para namang tanga si Victor na niyakap yung sumbrero at sinuot ulit...kaya bestfriend ko ito eh...

"Eh kailan mo siya makikita ulit?" tanong niya saken pagkatapos niya maka recover...

"Maya maya din..sabi ko magkita kami ngayon eh, mamaya nandito na yun."  

[Shannen's POV]

After a class na wala kong narinig kundi *blah blah blah* lumapit na ako kay Andy..

"Ui bakit ang tagal mo kanina?" tanong ko sa kanya, parang isang drum naman kasi ang inihi nito at ang tagal tagal...

"Ahh...may nakilala ako, nga pala kailangan mo akong samahan gusto niya makipagkita." ayy ang loka nakipag meet and greet pala...

"Ano naman ang pangalan niya?" tinanong ko siya kasi mamaya isa sa mga dakilang plastic ang nakilala niya...ayaw ko naman mapaaway si Andy ko...

"Ethan." what the?!?! Hindi kaya si Ethan Fermon ang nakilala niya? lumabas na kami ng classroom at nagumpisang maglakad papuntang cafeteria..

"Ano surname?" nagisip ng matagal si Andy...

"Hindi niya nasabi saken eh, ang awkward naman kais ng paguusap namin...nasa loob kami ng iisang cubicle." sabi niya saken!! What the?!?!

"Nasa loob ka ng cubicle kasama ang isang Ethan? OMG! Kailangan kong makilala yan, anong ginawa niyo?" nanlaki naman mata niya..

"Wala kaming ginawa...nagtatago kasi siya sa kaibigan niya ayun! Mukha naman siyang mabait eh..gwapo nga pero hindi ko naman type." sabi niya habang tumatawa...pero naisip ko lang..

Yung Ethan na nakilala niya, nakikipagtaguan sa kaibigan niya.. hindi naman pwedeng makipaghabulann ka kung may klase ka... Engineering course lang ang free sa ganong oras at sa pagkakaalam ko, iisa lang ang Ethan na gwapo na ukhang mabait sa course na yun...

Dear SoulmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon