Chapter 15: No way I'm telling

2.2K 65 5
                                    

[Andy's POV]

Alam ko masama itong gginagawa ko, grabe hindi pa nakakakalahati ang first semester namin 2 na agad ang cutting ko, sabagay.... hindi naman nila masasabing cutting ako, pwede na din absent kasi Hindi na ako pumasok first subject pa lang. 

Di ko alam kung bakit ko naisipan na pumunta dito.. Whatever. Basta ang alam ko malungkot ako kasi.. Ayy!! Ewan!!

Bumalik nanaman yung isip ko kay Shannen at Ethan. Sila ba? Wala naman nakwento saken si Shannen...

Bakit ba hindi maalis yung isip ko dun? At bakit affected ako masyado? Labas na ako sa kanilang dalawa..

Nakaupo lang ako ng may tumulo sa kamay ko... Tumingin ako sa taas hindi naman umuulan hindi rin naambon..  Humangin at naramdaman ko na basa yung pisngi ko...

Umiiyak ba ako?

"Andy!!!" sigaw ni Ethan na nakatayo pala dun.. todo punas naman ako sa mukha ko... too late na!!

Lumuhod si Ethan sa harap ko tapos nilabas niya yung panyo niya.. at sinimulan punasan yung mukha ko..

"Bakit ka naiyak?" tanong niya saken, hindi na niya pinupunsan mukha ko pero yung kamay niya nakahawak parin sa pisngi ko.. Bigla niyang inalis nung na realize niya..

"Hindi ako naiyak." sabi ko sabay tayo, tumingin lang ako sa malayo dun sa isang sulok ng rooftop.. Bakit ba siya concern?

Hindi siya nagsalita ng maramdaman ko yung kamay niya..

Niyakap niya ako...

"Hoy Ethan, bakit mo ba ako niyayakap?!" sigaw ko sa kanya... napasigaw na lang talaga ako....

"Shhh! Wag ka na lang maingay Andy. Niyayakap kita kasi sa panahon ngayon alam tingin ko kailangan mo." sabi niya saken... di ako nakapagsalita... binaon niya yung mukha niya sa buhok ko..

"Andy, nakita kita kanina.. Wala kaming relasyon ni Shannen, inamin lang niya saken na may gusto siya saken, tapos bigla niyang ginawa yung nakita mo. Please wag kang magalit sakin." bakit niya ba sinasabi sakin ito? Pero nung narinig ko yun, ewan ko ba pero nakaramdam ako ng masaya..

"Ok lang.." yun lang yung nasabi ko sa kanya... parang ang sama ko kasi nabigo sa love si Shannen pero teka? May boyfriend siya ah? Hindi naman ugali ni Shannen ang mang two time. Kakausapin ko na lang siya pag nagkaron ng chance...

"Andy pag umiyak ka. Gusto ko sa lugar na makikita ko ah." grabe naman concern sakin nito eh... ng ma realize ko yakap parin niya ako... Mukha namang na realize niya din kaya bumitaw siya...

"Nga pala, pano mo nalaman na nandito ako?" tanong ko sa kanya, imba naman kasi bigla siyang nakatayo dun...

Bluetooth kasi tayo. Connected." yuck ang korny!!

"Ang korny mo Ethan!!" tumawa naman kami... tawa lang talaga... dalawang timang sa roof top.. pwede!!!

Ewan ko ba, pero parang mahal ko na nga si Ethan.

Tinitignan ko siya, wala pa kasi kami planong bumaba, ang gwapo niya...

His Eyes.

His Hair.

His Lips.

His Lips.

The LIPS.

What the?!?! Love ba ito o pagnanasa?!?!

Psshh!!

1 week later.

Never ako nagkaron ng chance makausap si Shannen kasi 1 week na din siyang absent... Nagaalala na tuloy ako..

Na realize ko na din na

Mahal ko si Ethan Fermon.

Yeap mahal ko na nga siya, kung ano man nagpa realize sakin hindi ko alam. Basta wala akong planong sabihin sa kanya.. Saturday ngayon.. Nasa bahay ako..

Hindi nga pala ako nagkwento sa inyo so much about my family. Well, nasabi ko naman yung tungkol sa job nila, sila nga reason kung bakit kami lumipat dito... pero for now. Wala sila kasi nagkaron ng business trip. Nasa Singapore sila ngayon, for 5 months. I don't know if nakwneto ko na din sa inyo ito pero if not, meron akong sister na 5 years old. Her name is Autumn. Parang ewan lang ang name eh hahaha!! Any ways...

Sabi ko nga Saturday ngayon ng biglang may nag text sakin..

_____________________________________________________________

From: Ethan <3

Ui!! Andy... may oras ka ba? Kita naman tayo oh! Punta kang ATC.. Asahan ko pagpunta mo ah =))

_____________________________________________________________

Sh**************************t!!!

Kinikilig ako ng sobra ngayon...

Ganito ba talaga ang love...

Taena!! Ang hirap!!!

Lalo na pag di mo inaamin.

Dear SoulmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon