Prologue: Dear Soulmate

12.8K 188 15
                                    

SOULMATE.



Sabi nila, bawat tao sa mundo may nakatakdang Soulmate. Hindi pa daw tayo pinapanganak meron ng taong para satin. Yung tao na, magmamahal sayo ng totoo.

Ang hirap nga naman siguro malaman kung sino ang soulmate mo.

Napaka dami ng population ng buong mundo. Hindi mo alam kung san ka maguumpisa. Hindi mo alam yung nakatabi mo pala sa jeep yung magpapasaya sayo. Maari din na yung cashier na nagabot sayo ng sukli sa mall. Sa laki ng mundo, at sa haba ng buhay. Hindi mo talaga alam kung ano ang pwede mangyari.

 Pero totoo nga ba talaga ang Soulmate? Wala naman kasi talagang proof. May mahahanap ba talaga? Siguro ngayon, may mga maswerte at nakahanap na, may mga naghahanap, may mga nasa piling ng iba.

At meron namang mga sumuko na.

Ako, hindi ko alam kung maniniwala pa ako.. 

Malas naman din ako pagdating sa ganyan..nga pala hindi pa pala ako nakakapagpakilala..

Ako si Ethan Jacob Fermon, 3rd year college student sa course na Engineering, varsity ako sa university. Hindi sa pagyayabang, pero madami ng babae ang gusto na maging girlfriend ko, pero talagang hindi ako intiresado.

Pero merong nagpabago ng isip ko..

It happened 3 years ago...

Dear SoulmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon