Chapter 4: He knows me

4K 92 6
                                    

[Victor's POV]


Naglalakad ako ng biglang nakita kong nakatayo si Ethan dun at may hawak na papel.. Tumingin siya saken, at medyo nakangiti..

"Nahanap ko na siya." sabi niya saken...nahanap?Sino?

"Si Andy!! Tignan mo yung nakasulat dito.." inabot niya saken yung papel at nakita ko yung mga nakasulat...at yung dulo nakalagay yung pangalan ni Andy..pero..

"Ethan naman!! Ang daming Andy eh..diba dati nga yung na add mong Andy lalaki, tapos ito sa papel.. sasabihin mo agad na si Andy ito, pano ka nakakasiguro? Ang laki kaya ng population ng school naten." sinasabi ko lang naman ang totoo..tyaka mamaya panget yang Andy na yan..

"Nakakaasar ka naman eh!! Inisip ko lang , malay mo siya yan?" sabi niya saken, sabay kuha nung papel tapos lagay sa bulsa niya..

"Eh pano kung hindi?" tumingin siya saken..

"Alam mo kontrabida ka talaga eh, pasalamat ka kaibigan kita kung hindi sinapk na kita...tara na nga!!" at least nagpatalo na siya sa usapan namin..ng biglang..

"Subukan mo munang kunin ito!!" sigaw niya ng pagkuha niya ng cap ko..sabay takbo..

[Ethan's POV]

Takbo.

Takbo.

Takbo.

Tumakbo ako papalayo kay Victor habang hawak hawak ko yung isa niyang cap...hinahabol niya ako ngayon, at panigurado pag nahabol ako nito lagot ako, pero syempre hindi ko ito gagawin...

"Ethan Fermon!!! Ibalik mo saken yan! Bago yang cap ko!!" collection kasi ni Victor ang mga cap, kaya masyado niyang pinapahalagahan lahat.... hinihingal na ako...nakailang liko na din ako..mabilis din kais tumakbo ito.... kailangan ko maghanap ng matataguan.

Lumiko nanaman ako at nakita ko, Girl's Comfort Room.

Dali dali akong pumasok sa loob, sakto walang tao. Ni- lock ko yung pinto ng biglang may nagbukas na cubicle, di niya ako pwedeng makita... dahil pag nakita niya ako siguradong sumbong ako sa dean.. nagmadali akong magbukas ng ibang cubicle pero ayaw, lock.... ano klaseng school naman ito! Wala na akong choice, bago pa siya makalabas ng cubicle..sinalubong ko siya at tinakpan yung bibig sabay lock nung cubicle, sana wag siya magisip ng masama

(A/N: Nagsana ka pa! Eh kayong dalawa nag siksikan sa cubicle)

Tinitignan ko siya ang ganda ng mata niya, nakatingin siya saken diretso at paniguradong gulat na gulat...ng napatingin ulit ako sa mata niya, at pamilyar yung mata niya saken. Tinanggal ko yung kamay ko at nakita ko yung mukha niya. Hindi siya nagsalita, mukha siyang takot...ng lumabas sa bibig ko yung pangalan niya..


"Andy."





[Andy's POV]

Malapit ng mag bell, konting pigil na lang...pero di ko na talaga kaya.. bigla na lang ako tumayo.

"Ma'am may I go to the comfort room?" buti na lang may Hallway Pass pa, kahit na di pa nabalik yung kaklase kong lalaki. Lakad ako lakad..ayun! Nakahanap din ng cr...ang laki naman kasi ng school na ito eh!! Pumasok na ako sa isa sa mga cuicle and ayun...nawala na din yung worry ko na maihi, kahiya naman ako kung mangyari pa yun nu!! Nag flush na ako, lalabas na ako ng cubicle, ng biglang may pumasokk na lalaki.

Biglang tinakpan yung bibig ko at sinara yung cubicle. Gwapo siya, pero di ko type, sus panigurado playboy yan. Mukha siyang may tinataguan... tumingin siya saken diretso sa mata, ano kaya iniisip nito...naku Lord please lang!! Gusto ko pa magtrabaho!! Wag niyo po hayaang lumabas pagka manyak nitong lalaki na ito. Tumingin ulit siya saken..tapos kumunot yung noo niya, napaisip tuloy ako kung may dumi ako sa mukha...biglang niyang tinanggal yung kamay niya sa bibig ko, pero di ko alam kung bakit tinignan ko paren siya, basta naka tingin lang ako sa kanya, hindi kami nagalaw pareho, dahil panigurado konting galawa may mangyayari sa bibig ko at bibig niya.

Bakit ba siya nakatingin saken?!?!?! Nakaka ilang na ah!!

"Andy." sabi niya...

What the?!?!?!

Kilala niya ako?

Dear SoulmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon