Chapter 9: That guy...

2.7K 70 3
                                    

[Andy's POV]

Lunch Break na, nagpunta ako sa may library agad, curious kasi talaga ako kung sino naglagay nung paper sa locker ko.. After ilang minutes wala parin lumalapit saken... Gusto ko pa naman siya makilala, pero wala... Oh well nandito naman na ako sa library, magbabasa na lang ako... Ang taas nung libro na inaabot ko, pero may nagamit nung ladder kaya todo abot ako ng bumagsak yung libro...

"Aray!!" sigaw nung lalaki na nasa likod ko at natingin din sa ibang books...

[Aldrin's POV]

Nasa library ako ngayon, nagumpisa na kasi akong magparamdam dun sa crush ko, si Andy.. bago lang siya sa school. Pero ang ganda niya talaga, problema nga lang ang laki ng library namin, at hindi ko siya mahanap.. kaya naisipan ko na lang magbasa. Natingin ako dun sa mga shelf ng magandang basahin, habang may isang babae na nakatalikod saken at pilit na inaabot yung isang libro...tulungan ko kaya ito? Wag na lang baka masungit ito...

Binalik ko yung attention ko sa paghahanap ng libro ng...

"Aray!!" napasigaw ako, dahil nabagsakan ako ng libro..

"Shhhhh!"  sabi nung iba sa library..

"Naku sorry... di ko kasi abot yung libro eh." sabi nung babae..

"Ok lang.." sabi ko sabay tingin sa kanya at nabigla ako.. si Andy.

Di ko alam kung pano ako makapagsasalita.. pakiramdam ko pag nagsalita ako mauutal lang ako.. ngumiti lang naman sakin si Andy.

"Libre kita ng lunch? Mukha naman kasing hindi na ako sisiputin nung hinihintay ko eh, tyaka para makabawi na din ako sa ginawa ko sa ulo mo, nagkabukol ka pa tuloy." Ako yung hinihintay mo!! Kung alam mo lang... nginitian ko lang siya at hinala na niya ako papuntang cafeteria...

[Andy's POV]

"Anong pangalan mo?" tanong ko dun sa nakilala ko sa library..naka upo kami ngayon sa cafeteria

"Aldrin. Aldrin Perez." sabi niya saken habang nakangiti..

"Sorry talaga kanina ah." sabi ko sa kanya.. nabagsakan ko ba naman -_______-

"Wala yun." buti na lang nag bait niya..

[Ethan's POV]

Lunch break na.. Late na ako makakakain kasi may tinapos pa ako sa classroom. Sayang lang dahil di ko nakasabay si Andy..

Pero pag pasok ko sa cafeteria may nakita ako..

Si Andy may kasama na lalaki... di ko kita yung lalaki kasi nakatalikod... silang dalawa lang ang magkasama..

Di kaya..

May boyfriend na si Andy?

_________________________________________________________________________

A/N: Short Update.. So busy this week. Pero babawi ako next week maybe?

Dear SoulmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon