Chapter 10: Dude

2.7K 68 2
                                    

[Andy's POV]

Umalis na si Aldrin kasi may klase pa daw siya. Maaga pala ang time pag ang course mo ay Law. Naglalakad ako sa may hallway ng makasalubong ko si Ethan...

"Ui Ethan." hindi niya kasi ako pinansin.. well hindi niya siguro ako napansin talaga..

"Bakit?" tanong niya saken.. bakit parang ang sungit..

"Ok ka lang ba? Parang ang tamlay mo?" ang tamlay talaga ng mukha niya kung titignan mo, parang may namatay..

"Pabayaan mo na lang ako." sabi niya sabay lakad papalayo..

Anong problema nun?

[Ethan's POV]

Naisipan kong lumayo na lang kay Andy, parang ang panget kasing tignan kung lalapit lapit pa ako sa kanya eh may boyfriend naman na siya. Alam kong yung iba sasabihin na, mali ako kasi hindi ko pa naman na coconfirm, pero nakita ko kung pano makatingin kay Andy yung lalaki na yun, yung mga tingin niya na parang nakakita siya ng araw. Alam ko yun , kasi yun ang pakiramdam ko nung makita ko yung picture ni Andy. Siguro mali nga na magambisyon ako sa kanya, tama siguro sa Victor. Sa ganda niyang yun, imposible na walang magkagusto sa kanya.

Naglalakad ako ng makita ko yung lalaking kasama ni Andy kanina... nasa tapat siya ng locker ni Andy, at mukhang may pinapakelaman siya.

[Aldrin's POV]

"Sige Andy, alis na ako, maaga kasi ang klase pag ang course mo ay law. Salamat ulit ah." sabi ko kay Andy sabay ngiti...

"Ah sige. Sorry ulit Aldrin kanina ah." ngiti niya din sakin sabay lakad ako palabas ng canteen..

Hindi naman talaga maagaa ang time ng course ko, sinabi ko lang yun kay Andy para matuloy ko yung plano ko, hindi ko kasi nagawang sabihin sa kanya, natorpe ako... pero mas okay naman nga siguro kung mag kaibigan muna kami... Naisip ko na mag lagay nanaman ako ng letter sa kanya.. kaya nag sulat nanaman ako. At pinuntahan yung locker ni Andy.

Nilulusot ko yung paper ng..

"Anong ginagawa mo sa locker ni Andy?" tumingin ako at may nakita akong lalaki...

"Wala dude, may hinahanap lang ako na locker."  syempre hindi ko sasabihin sa kanya na secret admirer ako ni Andy, baliw ba ako? Panigurado kaibigan ito ni Andy..

"Ikaw yung kasama ni Andy kanina sa cafeteria diba? Tyaka pwede ba wag mo akong tawagin na dude." so nakita pala niya kami kanina, yabang naman nito di naman ganun ka gwapo.....kuko ko lang ito eh, aasarin ko pa ito..

"Ako nga kasama niya kanina.... DUDE"  nag smirk lang naman siya...

"Pwede ba wag kang fc? Tiyaka ano bang relasyon niyo ni Andy?" may gusto siguro ito kay Andy.. yabang talaga, pasalamat ka concern ako sa record ko sa school na ito kung hindi sinapak na kita...

"Wala kaming relasyon ok? Mag kaibigan lang kami. Tiyaka wag ka mayabang ah." sabi ko sa kanya.. tinignan lang niya ako ng masama tapos naglakad na papalayo, binangga pa yung balikat ko... yabang talaga nun, malaman ko lang pangalan niya lagot siya saken, pag sa ffuture talaga naging lawyer ako papakulong ko yan. (A/N: Isip bata dre? Hayaan mo na lang=)) hahaha )

[Ethan's POV]

Wala pala silang relasyon!! Yeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeessssssssss!!!!!!!!!!!! Alam ko medyo yumabang ugali ko kanina... pasensya na pero nagselos lang talaga ako...

Pero kahit na sabihin pa niyang wala silang relasyon, kailangan ko parin mag ingat sa kanya...

Sigurado akong may gusto yan kay Andy..

Mas okay naman na din siguro ito, kasi pwede parin pala akong makaporma kay Andy, tama!! At sigurado pag kasama ako ni Andy hindi makakalapit yung munggoloid na yun...

Dude pa siya ah!! Dude niya mukha niya!!

Hindi ko siya bibigyan ng chance maka close si Andy...

May the best man win.

Dear SoulmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon