Chapter 8: Admirer

3.1K 72 5
                                    

A/N: Ayun so di ako nakapag update ng story..ngayon subukan kong bumawi...nahirap kasi may nag wewelding sa bahay namin so yung kuryente nawawala wala...

_________________________________________________________________________

[Shannen's POV]

Hindii na bumalik si Andy kahapon, tyaka si Ethan. Iniwan lang kaming dalawa ni Victor sa cafeteria. Thanks a lot. Walang ginawa si Victor kung hindi mag pick up lines. Ako na unang tinanong ng professor namin kung bakit wala si Andy, buti na lang nakapagpalusot ako, sbai ko sumama pakiramdam ni Andy kaya pinauwi na lang siya ng clinic. Lagot talaga sakin yung si Andy... ng makita ko siya..

"Andy Cedeno!! Magpaliwanag ka nga sakin!!" sigaw ko sa kanya.. bigla naman nanlaki ang mata niya...

"Bakit ka nawala kahapon, kayo ni Ethan!?!?! Nag cutting kayo noh!! Nkau pasalamat ka nagpalusot ako at kinagat naman nila..." sigaw ko nanaman sa kanya..

"Naku Shannen! Sorry talaga kahapon ah..tinakas kasi ako ni Ethan, dun sa mga girls na iba. ETHANians ba yun?" Kaya pala.. inaway siya ng mga ETHANians...

"OMG! Pero ok ka lang? Alam mo ba na dalikado ka ngayon...kasi kahapon inaway ka nung iba na ETHANians, iba pa lang yun ah.. Tapos sinabi tinakas ka pa ni Ethan. and for sure alam na nila yun... Grabe mas ok siguro kung lagi mong kasama si Ethan...para hindi ka nila magagalaw." sabi ko sa kanya..

"Ayaw ko, baka madamay pa yung si Ethan." sabi naman niya sabay kagat sa bibig..

"Tangengots ka! Matagal na siyang damay sa mga ETHANians..wala ka pa... Die hard fans nga niya diba?!?!" sa sobrang bait din nitong si Andy, masyado ng nakakabobo minsan eh..

"Naku bahala na nga!!" sabi niya saken sabay hila papunta kung saan..

[Andy's POV]

Kaya pala masyadong galit saken yung mga babae kanina...ETHANians sila.. sabi ni Shannen dumikit daw ako kay Ethan para hindi nila ako malapitan, pero naisip ko baka naman mas lalo lang magalit yung mga yun.

Hinila ko si Shannen papuntang locker area... naghiwalay kami sandali kasi magkalayo yung locker namin...

Pagkabukas ng locker ko may nahulog na letter...

-----------------------------------------------------------------------------------------

You light up my soul, it sets a blaze

I'm a helpless little white mouse lost in your maze.

I won't say who I am, I don't want you to be scared of me.

But maybe later I'll see you in the library.

----------------------------------------------------------------------------------------

"May secret admirer ka!!!!!" sigaw ni Shannen na nasa likod ko at binasa din pala yung nasa paper, ang bilis naman ntong babaeng ito, tyaka di ko man lang naramdaman...

"Ha? Hindi nu!! Wala namang nakalagay, tyaka malay mo namali ng locker." sabi ko sa kanya, tumawa lang naman siya...

"Hay naku! Andy masyado kang mabait, masyado mong dina down ang sarili mo eh maganda ka naman. Pero kung sakaling sayo talaga yang letter na yan. Sino sa tingin mo yung nagsulat niyan?" tanong niya saken.....napaisip tuloy ako...

"Ewan ko, tara na nga...malapit na mag bell baka ma late pa tayo."

Naglalakad na kami, nagsasalita si Shannen pero lugaw ang isip ko... kais paulit ulit yung mga sinabi ni Shannen sakin..

Sino sa tingin mo yung nagsulat niyan?

Sino sa tingin mo yung nagsulat niyan?

Sino sa tingin mo yung nagsulat niyan?

Sino sa tingin mo yung nagsulat niyan?

Sino sa tingin mo yung nagsulat niyan?

Sino sa tingin mo yung nagsulat niyan?

Sino sa tingin mo yung nagsulat niyan?

Sino sa tingin mo yung nagsulat niyan?

Sino sa tingin mo yung nagsulat niyan?

Pero sa isip ko isang pangalan lang naman ang pumapasok sa isip ko kahit di ko gustuhin.

Ethan.

Dear SoulmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon