XIV. Letter (Kathryn & Daniel)

26.4K 397 93
                                    

(Kathryn)
"Kathryn, gising na. Kailangan na nating umuwi ng bahay." 
Naramdaman kong hinaplos-haplos ni kuya ang buhok ko. Dahan-dahan kong binuksan ang mata ko at ang nakangiting mukha ni kuya ang nakita ko. "Good morning." Sabi ni kuya at hinalikan ako sa noo.

"Good morning, kuya. Magbabyahe ba tayo?"

"Mamaya-maya, nandiyan na si Mang Pio." Tiningnan ako ni kuya sa mata. "Kathryn, hindi ko alam kung anong mangyari sa hinaharap. Hindi ko kayang sabihin ito sayo ngayon. Pero alam kong malapit mo ng malaman ang katotohanan. Ipangako mo sa akin na magpapakatatag ka." Seryosong saad ni kuya at niyakap ako ng mahigpit.

Kinabahan ako sa sinabi ni kuya. 

May malalaman akong babago sa buhay ko, nararamdaman ko.

"Kuya, mawawala ka ba sa tabi ko?" mahina kong saad kay kuya.

Mas hinigpitan niya ang yakap niya sa akin. "Hinding-hindi ako mawawala sa tabi mo, Kathryn. Kahit anong mangyari, ako pa rin ang kuya mo." 

Nang dumating si Mang Pio, tahimik kaming sumakay sa kotse. Buong byahe, nakahawak lang si kuya sa kamay ko. Kahit si Mang Pio, tahimik. Walang nagsasalita sa amin. Tila ba may tensyon na namumuo. Natatakot ako sa mangyayari kapag nasa bahay na kami.

Pagkadating namin ng bahay, sinalubong kami ni mama. May bisita ata kami. Isang babae at lalakeng ka-edad lang ni mama at papa. Nginitian ko sila pagpasok ko. Ngiting pilit. Pinataas ako ni mama at ni papa at pinaiwan si kuya. Ang bigat ng mga hakbang ko pataas. Hindi ako bobo at alam ko kung anong mangyayari. Napagtagpi-tagpi ko ang mga nakaraan. Si Aling Rosing... si Aling Melinda. Bakit... bakit alam nila?

(Daniel)
Umupo si mama at si papa sa harap ng TUNAY kong mga magulang. Hindi ko maipaliwanag kung ano 'tong nararamdaman ko. Dapat ba akong matuwa kasi makikilala ko na ang tunay kong mga magulang, magagalit kasi ngayon lang nila ako binalikan o iiyak kasi iiwanan ko na ang pamilyang inaruga at minahal ako ng parang tunay nilang kadugo.

"Maupo ka, Daniel." saad ni papa. Umupo ako sa gitna. Ayaw ko ng ganito. Gusto kong humiga sa tabi ni Kathryn at matulog. Gusto ko ng pamumuhay namin... dati.

"Anak..." nakangiting saad ng lalake, ang tunay kong tatay. Tiningnan ko siya sa mata. Ano bang dapat kong gawin? Yakapin sila ng mahigpit? Umiyak kasi binalikan na nila ako? "Anak, patawarin mo kami. Noong nasa Amerika kami, araw-araw naming ipinagdadasal na sana makita ka na namin. Araw-araw kaming nangungulila sa pagkawala mo. Hanggang sa isang araw, nahanap namin sa Facebook ang pangalan ng kumupkop sayo." Saglit na tumigil ang lalake sa pagsasalita at tumingin kay mama at papa. "Nakipagusap kami sa kanila at sinasabi naming kukunin ka na namin. Noong una, ayaw nila. Sino ba naman kami para kunin ka? Sila ang nag-aruga sayo. Pero... anak ka namin. At sa amin ka nararapat."

"Sa inyo ako nararapat? Hindi ba't kanila mama at papa ako nararapat sapagkat sila ang nagpalaki sa akin? Nagtrabaho sila para mapagaral ako, para mabuhay ako." galit kong saad. Yumuko si mama at si papa. At ang tunay kong nanay ay humihikbi.

Fifteen SecondsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon