EPILOGUE.

45.3K 708 64
  • Dedicated kay All of my Readers ..
                                    


Author’s POV


Naging masaya naman si Venice sa pag stay nya sa states, marami syang mga bagong kaibigan na nakilala, may iilan ring lalaki na nagpaparamdam sa kanya, pero syempre dedma lang sya dahil may laman na nga ang puso nya.

 

Noong una ay talagang nalulungkot pa sya, may mga oras din na naiisip nyang bumalik na lang sa Pilipinas pero hindi nagtagal ay nakasanayan na rin nya.

Naging malinaw na rin sa kanya ang dahilan ni Louie kung bakit mas ginusto nito na di muna sila magkita, at naunawaan nya naman kung bakit yun ang naging desisyon nito.

Bago sya pumasok ay tinatawagan nya muna si Louie, ganun din naman pagka uwi nya. Madalas ito rin naman ang tumatawag sa kanya, walang araw ang lumipas ng hindi sila nakakapag usap. Well, nasanay man sila na malayo sa isa’t isa or hindi nagkikita hindi naman yun naging dahilan para mabawasan ang nararamdaman nilang pagmamahal.


 

Months has passed, hanggang sa dumating na nga yung araw ng pag bisita ni Louie kay Venice. One week din syang nag stay sa states, at sa isang lingo na yun ay wala silang ibang ginawa kundi mag date sa iba’t ibang restaurant, mamasyal sa iba’t ibang lugar, at may mga oras din na halos nagtititigan na lang sila the whole day.

Magkakasama rin naman syang binisita nila Dave, Harry, Nathan, Zeth at Keila after makabalik ni Louie. 3 days lang naman silang nag stay. Then, si Melissa naman ang sumunod.

Naging ganun lang ang routine every month, hanggang sa matapos ang isang buong taon.

***

“Nasan ba tayo ngayon Louie?” tanong ni Venice. Naka blind fold kasi sya kaya hindi nya alam kung anong lugar ngayon ang kinaroroonan nya.

“Louie … Nasan ba tayo? Gusto ko pa naman sanang i surprise ngayon sila mommy, daddy at lolo. Hindi kasi nila alam na uuwi ako ngayon.”


 

"A House Full of Hunks" Book1 [PUBLISHED] MINI SERIES on TV5 this February 9 until February 13, 2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon