Chapter 50: ♡ Farewell ♡

49.2K 647 41
                                    

-       Readers, ngayon pa lang pinapaalalahanan ko na kayo. Hindi po ako magaling gumawa ng ending. In fact, pinaka ayaw ko talaga na part ng pag gawa ng story ay yung Ending. So kung hindi ko man maabot yung mga expectations nyo, or ma dissapoint kayo, pasensya pero ginawa ko naman ang lahat, halos mabaliw baliw na nga ko sa pag iisip. Kaya kahit konti sana ma appreciate nyo. Thanks readers!! God Bless!!

___________________________________________________________________

Walang araw na lumipas na hindi kami magkasama ni Louie. Maaga syang pumapasok ng school para salubungin ako with flowers and chocolates, wala pang dismissal ay nasa labas na agad sya ng classroom ko, lagi kaming sa labas kumakain tapos mamamasyal, sya na rin ang naghahatid sakin sa bahay, kadalasan samin na rin sya kumakain ng dinner.

Nagkakilala na rin pala kami ng daddy nya, nang dumating ito sa boarding house kasama ang daddy ni Jhela. Kamukhang kamukha nga ni Louie eeh, mas sweet at mas mabait nga lang ang dad nya. :DDD

Wala na rin pala si Jhela sa boarding house, kinausap pa nga nya kami ni Louie bago sya umalis. Nagulat pa nga ko ng halikan nya bigla sa pisngi si Louie, pero pinalampas ko na lang, hindi naman kasi ako madaling mag selos, di gaya nya.

Ilag pa rin sakin si Harry, ang balita ko pa ay bumalik na naman daw sya sa hilig nya, ang pagiging playboy. But good news dahil hindi na sila ulit nag a-away ni Louie once nagkakasalubong sila sa boarding house, hindi na rin ito nagpaparinig o nagsasabi ng masasakit na salita. Ang hindi lang namin sure ay kung nakapag move on na ba sya? Sana lang, gusto ko kasi na bago ko mag transfer sa states ay manumbalik na yung dati naming friendship, pati na rin sa kanila ni Louie.

Days and weeks past. Nakakalungkot lang dahil ang bilis umandar ng oras. Hindi ko na nga namalayan na bukas na pala ang flight ko, sasama nga palang magpunta sa states si Lolo kaya hindi na nag aalala ang parents ko. Kasalukuyan ako ngayong nasa kwarto ko, hindi pa ko maka tulog kaya eto, pa gulong gulong lang ako sa kama ko. Nang mag ring ang phone ko …

“Na miss mo na naman agad ako?”

“Chineck ko lang kung natutulog ka na.”

 

“Hindi nga ko makatulog eeh.”

 

“Hindi ka makatulog, o ayaw mong matulog?”

"A House Full of Hunks" Book1 [PUBLISHED] MINI SERIES on TV5 this February 9 until February 13, 2015Where stories live. Discover now