Chapter 34: "Si Venice, BITTER!"

37.8K 631 18
                                    

Ayuuuun. SO may bago na naman pong character .. At dahil yan sa request ng pinaka mamahal kong Fan na si Jhela .. haha ..

This is my 6th Update .. hihihi .. Akooo na talaga masipag :))

Gustong gusto ko po kasi magsulat .. At hindi po ako madamot mag-update .. Obvious naman po siguro .. hehehe ..

Sana magustuhan niyo ang Chapter na to kahit maikli lang .. Thanks Guyssss !!! :))))

__________________________________________________________

Back to Venice POV ..

So ayan, nakarating na rin kami ng Boarding House. Nang maibaba namin ang lahat ng mga dala naming gamit ay nagpaalam na si Keila samin, kasama niya pa rin pala ang boyfriend niyang si Zeth. Ayaw kasi siya nitong payagan na umuwi mag isa, kaya yun nagpumilit si Zeth na ihatid siya.


Muntik ko na palang makalimutan na kasama na namin si Jhela. Hmm. Okay lang naman siya. Maganda, Friendly pero hindi masiyadong madaldal. Matapos niya ngang makipag kilala samin kanina ay hindi na siya ulit nagsalita.


Si Harry ang nagbitibit ng bag na dala ko, habang si Louie naman yung nagdala ng mga gamit ni Jhela.


Pagkapasok namin sa Boarding House ay pare-pareho kaming napa upo sa sofa ..


“Hooo. Na miss ko tong boarding house ahh.” Sabi ni Nathan.


“Ako din.” Sabi naman ni Harry.


“Ilan ang rooms niyo dito?” tanong ni Jhela.


“Tig i-isa kami ng kwarto. May dalawa ring guest room dito. Yung isa ginagamit na ni Venice.” Sagot ni Harry.


“Okay, so yung isang guest room ang gagamitin ko?” tanong niya ulit.


“Ganun na nga.” Sagot ulit ni Harry.


“Louie, pwede mo na ba kong ihatid sa magiging room ko? Gusto ko ng magpahinga.” sabi niya kay Louie.


Hmmm. Tumaas bigla yung kilay ko dun ahh. Talagang kay Louie pa siya magpapa hatid? As if naman ihahatid siya nuh!


Buong akala ko magsasalita si Louie at sasabihing .. Bakit ako pa ang maghahatid sayo? Wala kang utusan noh! .. Ang kaso, hindi naman to nagsalita at umakyat na papunta sa taas, na siya namang sunod ni Jhela.

"A House Full of Hunks" Book1 [PUBLISHED] MINI SERIES on TV5 this February 9 until February 13, 2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon