Chapter 19: "The winner is ...."

48.2K 754 56
                                    

Eto na po ang Update! Maraming maraming salamat po sa mga bago kong readers lalo na po dun sa mga readers na mula pa sa umpisa ay binabasa na ang story na to at laging inaabangan yung next update.

You Guys made my day! Hope u enjoy this Update. Luv u all :))

(LOAD niyo naman po yung VIDEO sa right side. Play niyo po mamaya kapag sinabi ko na po, para po mas ma feel niyo ulit yung flow ng story. Ansaveee. hehe. Thanks po.)

_________________

Naka tingin si Venice sa baba kaya di niya alam na si … Louie pala ang una niyang nilapitan.

Malapit na siya dito alangan namang lumipat pa siya kay Nathan para yun muna ang unahin.

Itinaas niya ang ulo niya at diretso niyang tinignan si Louie na sakto namang naka tingin lang din sa kaniya.

Ngumiti siya ng pagka tamis-tamis bago tuluyang yinakap si Louie. Sabay bulong ..

“Good luck..”

Bigla na namang bumalik yung kaba niya ng maramdaman niya ang basa nitong katawan, maging ang chest nito na minsan niya na ring nayakap.

***

Si Louie naman biglang nanigas sa kinatatayuan. Balak niya sanang tutulan yung sinabi ni Keila na i hug nga sila pero nalunok niya na naman ang sariling dila ng bigla ba naman siyang lapitan ni Venice.

Magsasalita na sana siya pero iniangat na ni Venice yung mukha niya, at nakipag titigan pa ito sa kaniya bago ngumiti.

Kahit basang basa pa rin siya ay ramdam niya na halos umapoy yung pakiramdam niya ng yinakap na siya nito.

Hindi na nga siya nakapag salita hanggang sa humiwalay na sa pagkakayakap si Venice at pinuntahan naman nito si Nathan.

***

Medyo humupa na yung kaba ni Venice ng matapos niyang yakapin si Louie. Nilapitan niya na si Nathan, at nginitian bago yinakap.

Ganun na lang ang gulat niya ng yakapin din siya nito. Lalo tuloy nagka dikit yung katawan nila.

"A House Full of Hunks" Book1 [PUBLISHED] MINI SERIES on TV5 this February 9 until February 13, 2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon