Chapter 25: "Horse Back Riding"

44.7K 734 21
                                    

Etooooo na po ang update kooo .. Hmmm .. Thanks sa mga mahal kong readers :))

______________________________________________________

Nang maka balik na sila Nathan, Keila, Nancy, Zeth at Dave galing sa pag ho-horse back riding ay ipinaalam na ni Venice ang Bff na si Melissa. Kailangan na kasi nitong umuwi bago pa ito gabihin sa daan.


“Mel, lagi mo kong tatawagan huh. Pag may load ako, ikaw naman ang tatawagan ko.”


“Oo naman friend, alam mo namang mabilis kitang ma-miss diba?”


Naluha na naman tuloy si Venice, sa katunayan kasi ay ayaw niya pa sanang pauwiin si Melissa kaso lang ayaw niya namang mag alala ang mga magulang nito.


“Pag may time, sa boarding house niyo naman ako dadalaw.”


“Promise yan Mel huh?”


“Promise yan friend! Cross my gorgeous heart!”


“Sige na nga, umalis ka na bago pa kita hindi pauwiin.


“Bye friend. I will miss you.”


“I will miss you too.”


“Love you.”


“Love you more, Mel. Take care!”


Nag flying kiss pa sila sa isa’t isa hanggang sa makaalis na nga ang kotse na sinasakyan ni Melissa.


Nakaramdam na naman tuloy siya ng lungkot.


“Talagang close kayo ng Best friend mo ahh.”


“Oh, Zeth. Ikaw pala. Ahh. Oo, ganun talaga kami nun eh! Ika nga, birds of the same feather flock together!”


“Ang sweet niyo nga eh. Para na nga kayong magkapatid.”


“Eh kasi naman pareho kaming only child. Nga pala, bakit di mo kasama si keila?”

"A House Full of Hunks" Book1 [PUBLISHED] MINI SERIES on TV5 this February 9 until February 13, 2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon