Chapter 1: "Boarding house??!!!"

93.5K 1.8K 86
                                    

- I dedicated this 1st chapter to my beloved friend .. haha !! Sobrang formal lang?? hehe .. Teh!! Dahil ikaw ang nagsabi na gawin ko silang characters sa story ko .. Ayan .. Sinunod kita .. haha .. Solooomoot ahhh :D

_______________________________________________________________________

This is it !!! Ito na po ung 1st chapter .. Sana talaga magustuhan nio !! Enjoy !! c:

_________________________________________________________________________

Madaling araw na nang umuwi nang bahay si Venice.

Dahan dahan pa ang kaniyang pagkilos dahil baka makagawa siya nang ingay.

Mabagal ang kaniyang paghakbang paakyat nang hagdan nang bumukas ang ilaw ..

“At saan ka na naman galing Venice? Madaling araw na huh!!” mahinahong tanong ng kaniyang lolo.

Ano pa bang ikakagulat niya .. Malamang hinintay na naman siya nitong makauwi ..

“Sa birthday party po ni Melisa ..” Irita niyang sagot ..

 “Birthday party? Madaling araw na ang uwi?”

 

Alam niya namang hindi maniniwala ang lolo niya ..

Hindi ito ganun kadaling lokohin gaya ng mga magulang niya ..

Pero wala siya sa mood makipag usap dito dahil pagod siya ..

Kaya naman pinagpatuloy niya na lang ang pag akyat nang hagdan ..

“Saan ka pupunta? Kinakausap pa kita?”

“Lo, pagod ako! Pwede bang mamaya niyo na lang ituloy yang panenermon niyo!” Inis niyang sagot.

“Aba’t talaga tong batang toh!”

“Malaki na ko, alam ko na ang ginagawa ko!”

At tsaka siya patakbo na umakyat papunta sa kaniyang kwarto.

Dala nang pagod ay di na siya nag abalang magpalit pa ng dami at agad nang natulog.

Sobrang sakit nang ulo niya nang magising siya. Paano ba naman kulang pa yung tulog niya pero heto’t may bumubulabog na sa pintuan niya.

“Mam. Venice, pinabababa na po kayo ng mom at dad niyo .. Mag breakfast na daw po kayo!”

“What the hell! Natutulog pa ko! Pwede ba kung gusto nilang kumain, edi mauna na sila .. Kainis!!!” at muli siyang bumalik sa pagkakahiga ..

"A House Full of Hunks" Book1 [PUBLISHED] MINI SERIES on TV5 this February 9 until February 13, 2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon