Chapter 2: "Spoiled Brat meets the Hunks!!"

78.6K 1.4K 44
                                    

 MUST READ:

I just want to clarify those things na baka gumulo sa isip niyo habang binabasa niyo to!  Gusto ko lang pong LINAWIN !! Yung Boarding House po na tinitirhan ng Limang Hunks ay PAGMAMAY-ARI na po nila !! Soo wala po kaung makikitang Landlady na bumibisita sa kanila para singilin sila sa Renta !! Tumira po sila sa Boarding House dahil mas malapit ito sa school nila, iwas hustle na rin! So desisyon na po nila kung Magpapatira sila ng ibang tao sa Boarding House, since nabili na naman po nila yun !! Sana po hindi na kayo maguluhan, kung bakit pwedeng tumira si Venice kasama nila.

Thankss.

____________________________________________________

“Sila ang makakasama mo dito sa Boarding House, Apo..”

“Okay ka lang Lo? Puro kaya yan mga lalaki? Tapos patitirahin niyo ko kasama nang mga yan .. Anong ine-expect niyong mangyayari sakin huh!?” Hindi niya naman kasi talaga maintindihan ang takbo nang utak nitong lolo niya, kesyo daw didisiplinahin siya, tapos patitirahin lang pala siya kasama nang mga lalaki?! Na from the very beginning ay hindi niya naman talaga mga kilala.

“Venice, don’t worry .. Hindi naman kita hahayaang tumira kasama nila kundi sila mapagkakatiwalaan diba?” mahinahong sagot nang lolo niya.

“Pero Lo! Lalaki sila!” protesta niya.

“Mas makakaya ka nilang disiplinahin kaysa sa babae..”

Muli niyang binalingan nang tingin ang limang lalaki. At nakatitig ang mga ito sa kanilang mag lolo, este, sa kaniya lang pala.

“So, I’ll better go, apo ..”

“Wait! Lolo, wag mo kong iwan dito!!”

Pero parang walang narinig ang lolo niya at tuloy tuloy lang na naglakad papalabas .. Sinubukan niya itong habulin pero paglabas niya ay wala na ang kotseng sinakyan nila.

Gusto niyang umiyak, sumigaw, magwala at magbasag nang gamit! Ganun kasi siya pag nagagalit, ang kaso lang wala siya ngayon sa Mansyon nila kaya sa ayaw man niya o sa gusto ay kailangan niyang pigilanang halo halong emosyon na namumuo sa loob niya.

Lolo, isinusumpa ko! Hindi ka magtatagumpay sa gusto mo!

At tsaka lang siya nagkaroon ng lakas ng loob na muling pumasok ng Boarding House.

Kinuha niya ang mga maleta niya at aakyat na sana siya nang hagdan nang ma realize niya na di niya pa pala alam kung saan ang magiging room niya. Kaya muli siyang bumalik at hinarap ang limang nag gagwapuhang lalaki.

"A House Full of Hunks" Book1 [PUBLISHED] MINI SERIES on TV5 this February 9 until February 13, 2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon