Chapter 46: "VALENTINE'S DAY" (Part 2)

40.4K 691 78
                                    

Awwww. Eto na po ang bawi ko sa bitin na Update ko sa last chapter .. Talagang isinulat ko to pagkatapos na pagkatapos ng madugo kong Exam sa Accounting .. Masyado nga kong affected sa mga nangyari sa mga charcters sa chapter na to .. Mapa Bida man o Kontra Bida .. Nalungkot ako pero sa huli, SUPER KINILIG naman ... hahaha ...

Sana magustuhan nio. :))) Thanks nga pala sa mga bago kong readers at fansss .. Yieee! GodBless. Always! :)))

_____________________________________________________________________

Gaya ng sinabi ko. Binilisan ko nga lang ang pamimili.


Pagkarating ko sa mall, nagpunta agad ako sa isang cupcake bakery at bumili ako ng limang box ng assorted cupcakes na siyang ibibigay kong kapalit sa mga ibinigay nila sakin.


Bumili rin ako ng large teddy bear na ireregalo ko naman kay Mel, at isang medium teddy bear naman para kay Keila.


Pasado alas otso na ng matapos ako makapamili kaya nagmadali na ko para maka uwi, kelangan ko pa kasing pag handaan ang date namin ni Louie.


Buti na lang at walang traffic kaya nakauwi naman ako agad. Wala namang naka pansin sa pagdating ko kaya dumiretso na ko sa kwarto.


Inilagay ko sa kama yung mga pinamili ko, tapos nagmamadali na kong nagpunta sa Bathroom.


After several minutes ..


Nakatayo na ko sa harap ng salamin at naka titig saking sarili. Jeez. Kinakabahan na ko, magugustuhan niya kaya ang itsura ko? Simple lang kasi ang naging ayos ko. Light lang din yung make up na nilagay ko, nilugay ko lang rin yung buhok ko.


Maya-maya lang, may kumatok na sa pintuan. Hoooo. Inhale .. Exhale!! Magpaka natural ka lang Venice, wag mong hayaang unahan ka ng kaba. Tsssh. Mukhang tanga lang diba? Pati sarili ko pinapayuhan ko na. Gosssh! Ganito talaga pag kinakabahan! @_@


So ayan, pakiramdam ko nanginginig pa ko habang binubuksan ko yung pintuan. Uhm- Dahan dahan .. >_<


Pagka bukas ko, nakalimutan ko lahat ng kaba. Pero dinig na dinig ko yung mabilis na pag pintig ng puso ko, habang naka tingin sa kanya.

&quot;A House Full of Hunks&quot; Book1 [PUBLISHED] MINI SERIES on TV5 this February 9 until February 13, 2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon