Chapter 37: "Para-Paraan."

41.4K 790 46
                                    

Ayieee. Nag update na ko kasi dami ko ng readers .. Salamaaat po sa inyooooo .. Isinulat ko po ito habang bangag ako, kulang sa tulog at gutom. hahahaha. Kayo ng bahalang humusga kung mukhang bangag din yung Update .. hahaha :DDD

__________________________________________________________________

Hindi na sana ko kakain ng breakfast dahil sobrang bad mood na ko, sa school na lang sana ko kakain tutal naman nakaka walang gana dito sa Boarding House ..

Ang kaso gutom na gutom na ko .. Kahapon pa kaya ko hindi kumakain! So wala na rin akong choice kundi kumain dito, kahit na ang sama sama ng ambiance sa dining area, dahil sa unang pagkakataon ay makakasabay naming kumain si Jhela.

Wait! Kelangan talaga katabi niya si Louie?!

Tsssh. Soooo what?! Hmpf!

Dire-diretso na kong umupo sa tabi ni Harry at agad na rin akong kumuha ng pagkain. Bibilisan ko na lang, baka kasi pag nagtagal pa ko dito, bumalik na naman yung sungay at buntot ko!

Then, habang kumakain kami, nagsalita si Jhela Girl ..

“Louie, i-tour mo ko mamaya sa school niyo ahh?”

“K.”

Whatttttt!! Pupunta siya ng school??

At i to-tour siya ni Louie?? Tssssh. Grabeee lang huh!! Pero nung ako yung nagpapasama sa kaniya nun, iniwanan niya lang ako!! Muntik pa kong maligaw?

Sa inis ko, naibunton ko sa kinakain ko yung nararamdaman ko. Hindi ko na tuloy napansin na halos madurog ko na pala yung chicken na hinihiwa ko.

Kaya naman yung mga kasama ko, natigilan sa pagkain. Tapos takang taka lang na naka tingin sakin.

“Venice, may problema ba?” tanong ni Harry.

 


“Tsssh. Wala! Ang tigas lang kasi nitong chicken, ang hirap tuloy hiwain !!”

 


“Gusto mo ako ng mag hiwa?”

"A House Full of Hunks" Book1 [PUBLISHED] MINI SERIES on TV5 this February 9 until February 13, 2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon