CHAPTER 46- ACCEPTANCE

9.6K 138 6
                                    

CHAPTER 46- ACCEPTANCE

 

AUTUMN’s POV

 

Nakakatuwa ang mga nangyayari sa paligid. At last, engaged to be married na si summer at heaven. Si spring naman at ate dahlia naman, ayun masaya na. Eh ako, palagi paring nakabantay kay winter. It’s not im losing hope kaya gusto kong ipatanggal ang paghihirap niya. mahirap para sa part ko na makita siyannag-aagaw buhay at walang kasiguraduhan kung mabubuhay pa ba siya. Ayoko siyang mahirapan pa.

“ms. Tolentino.” Dinadala ko na ngayon ang apilyedo na dapat sa akin. Nilngon ko ang nagsalita at nasa likod ko ag doktor.

“doc...” i smiled at her. sinenyasan niya akong lumabas ng kwarto ni winter kaya sumunod ako. Dr. Lee is a gynecologist. Remember y dream last time? Tungkol sa isang bata na lumapit sa akin? I have a suspicion na buntis ako kaya nagpregnancy test ako and positive ito. Noong nalaman kng buntis ako, hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi. Syempre kahit papano blessing ito pero, ang isipin na wala akong kasama sa pagpapalaki nito, parang ang hirap.

“autumn, napag usapan na natin ang case mo. Alam mo namang...”

Ngumiti ako sa doktor at tumango. “alam ko doc. Kaya nga ako na ang nagsasabi sa inyo ng dapat niyong gawin eh.” Tumayo si dr. Lee sa upuan niya at humarap sa bintana sa likod niya.

“pag-isipan mo. Dahil kung ako ang masusunod ayoko. Malakas ang kapit ng bata autumn. Wag mo lang papabayaan ang sarili mo. Tignan mo, your three months pregnant pero parang dalawang buwan lang ang dinadala mo.” Lumabas nalang ako ng opisina niya dahil mas lalong hindi ako makapag isip ng matino. Wala pang nakakaalam ng tungkol sa kalagayan ko at ayaw ko nag sabihin sa kanila.

Bumalik ako sa kwarto ni winter at katulad ng dati, nakahiga parin siya at life support system nalang ang bumubuhay sa kanya. Umupo ako sa tabi niya at hinawakan ang kamay niya.

“winter...” the first teardrop fell. Ang sakit sakit makipag usap sa taong hindi mo alam kung magigising pa ba o hindi na. Totoo pala yung sinasabi nila na once na mawala ang taong mahal mo, para ka naring namatay. Pakiramdam ko wala nang silbi ang buhay ko kung wala na siya.

“winter... gumising ka na. Magkakababy na tayo. Please wake up now” napahagulgol ako dahil sa mga traydor na luha na patuloy na pumapatak galing sa mga mata ko. gusto ko na siyang magising para makita na niya ang mga nangyayari sa paligid namin.

“winter naman eh... ilang buwan ka nang nakahiga diyan hindi ka pa ba napapagod? Gumising ka na. Andami nang nag-aantay sayo.” Ang bigat bigat ng pakiramdam ko. gusto kong ilabas lahat ng sakit sa puso ko. bigla ko nalang naramdaman ang isang kamay sa likod ko. isang pamilyar na kamay na palaging nakaalalay sa akin. Inangat ko ang tingin ko at hindi nga ako nagkamali.

IM INLOVE WITH MY BROTHERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon