CHAPTER 44- SUSPICIONS

9.5K 141 8
                                    

CHAPTER 44- SUSPICIONS

DAHLIA’s POV

 

Kasama ko si autumn ngayon na nagbabantay kay winter. Pinipilit ko siyang pakainin pero ayaw talaga niya. nagulat nalang kami nung sumugod si summer sa loob ng ICU na walang suot na gown or mask manlang.

“dahlia, asan si spring?” aligaga niyang tanong sa akin. Naguluhan ako sa kanya kasi bakit niya hinahanap ang boyfriend ko?

“may meeting daw sa company branch nila dito . bakit mo naman siya hinahanap?” doon napatingin sa amin si autumn na halatang pagod na pagod na. Wala pa siyang palya sa pagbabantay kay winter simula ng macomatose ito. Talaga nga naman. Ang nagagawa ng pag-ibig. Haayyyssss...

“pesteng heaven to!!! Nagsinungaling. Magkasama daw sila ni spring.” natatawa ako kay summer kasi, pilit niyang tinatanggi na hindi niya mahal si heaven pero, kung magselos naman todo todo.

“summer, mahal mo ba?” then i saw her blushed. Gusto kong tumawa pero naunahan na ako ni autumn.

“hahahahahah...be-best....wahahahahahaahah... ang cute mo mamula... wahahahahahaha!!!”  sinamaan lang siya ng tingin ni summer. Nakakatuwa sila tignan kasi, kahit na hindi nila sabihin na ok sila, mararamdaman mo na miss na miss nila ang isa’t isa.

“che!! Tumigil ka diyan autumn maddison! Arrggghhh!!” tinitignan ko lang silang dalawa at pulang pula na talaga si summer sa sobrang inis.

“mahal mo ba?” napatigil si summer sa pagwawala dahil sa tanong ni autumn. Kahit hindi sabihin ni autumn kung sino ang sinasabi niya, halata naman kung sino. Lalo tuloy namula ang mukha ni summer.

“ha-ha?? S-sino si-sinasabi mo diyan?” iniwas pa niya ang tingin niya pero kitang kita parin ang pamumula ng pisngi niya

“wow!!! Indenial teh?? Alam mo naman kung sino ang tinutukoy ko eh. Wala kang karapatan na magselos kasi hindi naman kayo summer. Not unless, bibigyan mo siya ng chance.”  Napatingin sa kanya si summer at inismiran saka lumabas. Nagkatinginan kaming dalawa ni autumn dahil pareho naming alam ang pinaplano ni heaven.

IM INLOVE WITH MY BROTHERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon