CHAPTER 47- LETTING GO

9.3K 136 13
                                    

CHAPTER 47- LETTING GO

 

DAHLIA’s POV

 

Alam niyo yung feeling na gusto mong pumatay ng tao? Alam niyo kung nakakapatay lang ang mga thoughts sa utak, kanina pa pinaglalamayan ang dalawa sa loob.

“dahlia, ok ka lang?” hindi ko na sila nasagot pa dahil napatakbo nalang ako papalayo sa eksenang nakikita ko. yun ba ang reason kung bakit hindi niya ako tinatawagan ng matagal? Oo inaamin ko, may hindi kami pagkakaunawaan this past few days pero, sapat bang rason yun para palitan na niya kaagad ako?

Ilang araw akong nagkulong sa loob ng condo ko. ayaw kong makipag usap kahit kanino kasi ang sakit sakit lang. Bakit hindi nalang niya sabihin sa akin ang nararamdaman niya? ganun nalang ba ako kadaling palitan? Kung titignan mo ang babae, napakasophisticated niyang tignan at walang wala ako sa kanya.

Pagkatapos ng dalawang araw ng pagmumukmok at pagpapak ng ice cream, lumabas na ako ng condo. Una kong pinuntahan sila autumn sa ospital. Niyakap naman nila ako kaagad pagkadating na pagkadating ko.

“nag-usap na ba kayo?” umiling ako sa tanong nila. Tumulo na naman ang traydor kong mga luha. Kaya nga ako lumabas sa lungga ko kasi akala ko ok na ako eh pero hindi pa pala.

“hindi pa kami nag-uusap dahil ayoko at hindi rin siya gumagawa ng way para makausap ako.” Totoo naman yun eh. Hindi siya gumagawa ng paraan para makausap ako.

“baby, uwi na tayo.” Lumapit sa amin si heaven. Halatang kakagaling lang niya sa opisina dahil halatang halatang pagod pa siya.

“oh! Andyan ka pala dahlia.” I gave him a smile. Bigla namang naging curious ang mukha niya. napansin niya siguro na medyo teary ang eyes ko.

“teka, bakit ka umiiyak? May nangyari ba sa inyo ni spring?” si summer at autumn ang nag explain sa kanya ng mga pangyayari at ayoko nang makinig pa.

“ahh!! Kaya pala...” hinimas himas pa niya ang baba niya na para bang nag-iisip.

“kaya pala ano?!” biglang hinampas ni autumn at summer si heaven.

“aray!! Hoy kayong dalawang buntis mga sadista.. tss....” umiling iling lang siya. Halatang binabago niya ang topic tungkol kay spring.. GRR!! NAIINIS AKO!!! BAKIT HINDI MAN LANG SIYA MAG EXPLAIN SA AKIN??!! ANO YUN AKO PA ANG LALAPIT SA KANYA?! THE NERVE!!!

“bilisan mo na heaven!! Anong nalalaman mo?” napaupo si heaven sa tabi ko at napabuntong hininga.

“may meeting kasi ako sa opisina nila spring. tapos, syempre dakilang close kami dahil sinamahan niya akong magpapersonalized ng singsing ng baby ko.” sabay tingin kay summer at naaglampungan pa sa harap namin ni autumn. We both rolled our eyes and groaned.

“sama nitong dalawang to! Mga bitter!! So ito na nga.. tuloy tuloy lang ako sa loob ng office niya at laking gulat ko kasi may babae doon na kausap siya a-at...” napatigil siya sa pagsasalita at tinignan muna kaming tatlo

IM INLOVE WITH MY BROTHERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon