CHAPTER 23- CAUGHT IN THE ACT

12.8K 164 39
                                    

CHAPTER 23- CAUGHT IN THE ACT

 

AUTUMN’s POV

 

Hindi ko akalain na mabilis na lumipas ang mga taon. Tatlong taon na pala kaming nandito ni heaven sa america. College na kaming dalawa at pareho pa kami ng course na kinukuha. Syempre, hindi parin mawawala ang connection namin sa pinas, lalong lalo na sa pangs ko. noong nakaraang araw nga nagcelebrate kami ng third anniversary namin.ang tagal na naman noh!! Ang balita ko nga may trabaho na siya sa pilipinas eh. Konti nalang at matutupad na namin ang mga plano namin sa buhay.

“maddi, pakopya ako ng assignment sa accounting.” Tae talaga tong heaven na to!! Simula ata nagsimula ang first sem, palagi nalang PAKOPYA ang bukambibig. Well, hindi parin siya tumitigil sa ‘panliligaw’ daw sa akin.  Ramdam ko naman ang efforts niya, pero diba nga walang kwenta ang effort kung hindi galing sa mahal mo?

“oh ayan!! Sa susunod nga matuto ka nang gumawa ng assignment.” Nasa favorite spot kami dito sa campus. Dito, hindi ako si autumn kundi si maddi at si heaven hindi siya habulin ng chicks kung hindi isang simpleng tao lang.

“kamusta na kaya sila doon sa pinas. Ilang taon nalang uuwi na tayo heaven.” Nakatingin ako sa langit at siya busing busy at kinacareer pa ata ang pangongopya sa akin. Bigla niya akong inakbayan.

“oo nga babe eh. tatlong na taon na akong nanliligaw sayo hindi mo parin ako sinasagot.” Tinaggal ko ang kamay niya sa balikat ko at nagkulitan kaming dalawa. Kahit kailan, i never felt alone. Palaging may heaven akong natatakbuhan sa tuwing kailangan ko ng kuya at may tito russell naman ako na nandyan kung kailangan ko ng ama.

For three years, these men has a big part on my personality.

“maddi, wala na ba talaga?” napatingin ako sa kanya. Hindi kasi ako sanay na maddi ang tinatawag niya sa akin. Dito kasi sa america, nakasanayan na nila akong tawaging maddi. Noong bagong transfer kasi ako dito, may kapangalan akong autumn, so ang ginawa ng mga kaklase kong kano, tinawag na nila akong maddi. Nasanay na tuloy akong maddi ang tawag... WAAAAHHHH!! Namiss ko si tagsibol!! Nakakamiss si spring.

“anong wala na?? Anong pinagsasabi mo diyan?” bigla niya akong tinignan ng seryoso.

“wala na ba akong pag-asa sayo? Tuluyan ka na bang nahulog sa pangs mo? Tsaka sino ba yun? Simula ata ng dumating tayo dito sa america puro si pangs mo nalang ang kausap mo sa phone aa.”  Kitang kita ko ang pagseselos ni heaven sa tono at itsura niya.

“diba nga, matagal ko nang sinabi na friends nalang tayo? Bestfriends. Katulad ng dati.” Humarap siya sa akin. He has this serious face and he began to speak.

“hindi ko alam kung anong meron diyan sa pangs mo nayan, pero alam mong simula’t sapul hindi kita iniwan autumn maddison. Palagi akong nandito sa tabi mo wheneve you need me. Para na nga akong si superman nito eh. Autumn, ginagawa ko ang lahat ng ito kasi, mahal kita. MAHAL NA MAHAL KITA. I’m not requiring you to love me back but please be happy.” Niyakap ko siya ng mahigpit. Ramdam ko naman ang pagmamahal niya para sa akin, pero hindi ko na ata talaga kayang suklian pa yun.

IM INLOVE WITH MY BROTHERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon