THE MORE COMPLICATED PART OF THE STORY

11K 224 34
                                    

THE MORE COMPLICATED PART OF THE STORY

(IM INLOVE WITH MY BROTHER SPECIAL UPDATE)

AUTUMN’s POV

“Chubs, ready ka na?” sumilip si Winter sa walk in closet namin habang ako naman eh nakatingin sa salamin. May pupuntahan kasi kaming dinner party ngayon at para narin makakuha siya ng bagong kliyente para sa company. Swerte daw kasi ang mga buntis. Sana nga.

“Uhmm…. Pangs, parang antaba ko na talaga.” Napanguso ako dahil sa nakikita kong figure sa harap ng salamin. Agad namang pinulupot ni Winter ang braso niya sa bewang ko at nilagay ang baba niya sa balikat ko.

“Parang wala namang pinagbago. Ikaw parin ang chubs ko.” Sabay kurot sa pisngi ko. Hindi ko alam kung matutuwa ako sa sinabi niya o maiinis. Parang sinasabi niya ngang mataba na ako >3<

“So it means mataba na nga ako??? Ikinahihiya mo na ba ako? Hindi nalang ako sasama baka mapahiya ka pa.Tsaka…. tsaka baka maghanap ka na ng iba kasi hindi na ako sexy, nagmamanas pa pati pisngi ko. Tsaka tignan mo yung tyan ko ang laki laki. Parang hindi bata ang laman.” Lumabas na ako ng walk in closet namin at naupo sa kama. Nag-umpisa na akong humikbi. Naramdaman ko naman ang pagtabi ni Winter sa akin.

“Hey, hindi naman yun yung ibig kong sabihin eh. Wag ka na umiyak. Kahit gaano ka pa kalaki ikaw parin ang pinakasexy na babaeng nakilala ko. Wag ka na umiyak. Tsaka magtaka ka kung hindi na lumalaki ang tyan mo, dun ako magpapanic noh. Tahan na Chubs. I love you.” Tumigil ako sa pag-iyak at niyakap niya ako ng mahigpit.

After ng mahaba habang diskusyunan eh bumaba na kami kung saan nag-aantay si tatay, nanay at daddy Russelle ko.

“Ang tagal niyo naman.” Napayuko ako kay tatay. Alam kong hanggang ngayon galit parin siya sa amin ni Winter. Hindi parin kasi mawala na tinuring niya kaming magkapatid at hindi na ako naiba sa kanya.

“Sorry pot ay, si Autumn kasi inatake na naman ng paglilihi eh. Lika nap o.” inalalayan ako nni Winter pababa ng hagdan. Takot lang niyang mawala ang anak niya noh. Actually I’m on my fourth month. Mahirap magbuntis kasi sobrang laki ng tyan ko. Akala nga nila manganganak na ako. Kapag sinasabi kong hindi pa at fourth month ko palang nagugulat sila.

“Pangs, nandun ba mamaya si Summer at ate Dahlia?” tinignan niya ako habang nilalaro ko ang wedding ring namin sa kamay ko.

“Hindi ko alam eh. Hindi mo ba sila tinanong?” Hindi nalang ako sumagot. Alam ko naman na mabobored lang ako sa party na yun eh. Puro business ang pag-uusapan nila.

Pagdating namin sa venue, medyo marami rami na ang tao. Umupo kaming lima sa table na nakareserve para sa amin at ginala ko kaagad ang mata ko para hanapin si Summer pero hindi siya ang nakita ko kundi ang buffet table. Naramdaman kong gusto naring kumain ni baby.

“Pangs….” Paglalambing ko kay Winter.

 

“Bakit?” ngumiti ako sa kanya at nginuso ang buffet table. Nung una hindi pa niya nagets kaya binulong ko nalang.

IM INLOVE WITH MY BROTHERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon