CHAPTER 9.75

12.5K 211 13
                                    

sorry po at ngayon lang ang update... nakalimutan ko po kasi kahapon ee.. hehehe.. so ito na po :)) enjoy po :))

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

CHAPTER 9.75

AUTUMN’S POV

Kanina pa tulala si best at halatang iniisip kung ano ang ireregalo kay kuya. Nakakatuwa siyang tignan talagang hindi mapakali. Nasa sasakyan kami ngayon at ihahatid kami ni tatay doon sa tabing dagat na pinupuntahan namin dati ni kuya sa probinsya. Syempre hindi alam ni summer. SURPRISE DAW EH.monthsary na nila ngayon at wala talagang naisip na regalo si best.  Excited na akong umuwi doon at ganun din dapat ang maramdaman ni summer pero wala ee, tulala talaga.

“best, easy ka lang.” Hinawakan ko ang kamay niya at tumingin sa akin.

“autumn, katawan ko nalang kaya ang ibigay ko sa kuya mo.” Napatawa ako sa sinabi niya...

“hahahaha.... ano ba, easy ka lang kasi... kung ano anu iniisip mo.” Saka lang ata siya natauhan at sumilip sa labas ng bintana.

“anong ginagawa natin dito?” huminto na ang sasakyan samay tabing dagat.

“tay, salamat po.” Nagkiss na ako kay tatay at bumaba na kami sa sasakyan. Medyo hapon na kami nakarating doon kaya saktong sakto lang para sa surprise ni kuya.

Naglakad lakad kami at takang taka parin si summer. Nagulat kami dahil may biglang pumiring sa mga mata namin.


“shh... ako to.” Pamilyar ang boses na yun.

“ano ba!! Bitiwan mo ako... heaven hayup ka.. papaslangin kita!!!” narinig kong nagwawala si best. Si heaven nandito? Bakit pati ako nadamay? Diba kay summer lang itong surprise na to?

Inalalayan ako ni kuya sa paglalakad. Nangangapa ako kasi wala talaga akong makita. Inalalayan niya ako hanggang sa naramdaman kong pinaupo niya ako.

“dito ka lang ha.” Napatango ako. Naramdaman kong hinawakan ni kuya ang mga kamay ko.

“autumn, you’ll be in good hands tiwala ako.” Hindi ko alam ang ibig niyang sabihin. Naramdaman kong kinalas niya ang piring ko sa mata and i saw infront of me a candle light dinner facing the full moon. Medyo malabo pa ang paningin ko pero ginala ko na ang mga mata ko. i saw someone walking towards me.

IM INLOVE WITH MY BROTHERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon