CHAPTER 30- UNEXPECTED THINGS

12K 174 16
                                    

CHAPTER 30- UNEXPECTED THINGS

 

HEAVEN’s POV

 

Wala na. Kanina pa daldal ng daldal tong si summer. Siguro ang sakit sakit talaga para sa kanya na malaman na hindi siya mahal ni winter. Kung ako ang tatanungin niyo, matagal ko nang alam. OO, nasa america palang kami alamko na ang relasyon nila.

I was planning to talk to autumn at that time. Kaso nakita kong nakabukas ng konti ang pinto. Narinig kong may kausap siya sa laptop niya. Hindi ko lang masyadong marinig basta ito ang natatandaan ko.

FLASHBACK

“hi pangs.” Nasa kausap niya pangs niya? Papasok na sana ako, pero biglang sumagot yung kausap niya sa laptop.

“hi chubs. Musta ang school.” Napahinto ako sa likod ng pinto. Alam ko mali ang makinig sa usapan ng iba pero, hindi ko mapigilan.

“ok lang naman kuya. Masaya.” Kuya? akala ko ba pangs niya ang kausap niya? Bakit ngayon kuya naman? Naguguluhan ako.

“i love you, kuya.”

END OF FLASHBACK

Unti unti pang luminaw ang lahat nung  incident na kinuwento niya na nagbreak na sila ng pangs niya. Kinuwento pa niya na may girlfriend daw si pangs niya. Iyak pa nga siya ng iyak sa akin eh. Tinanong pa niya ako kung paano daw kung mainlove ang magkapatid. Parang doon lang luminaw ang lahat. Haayysss.. ang sakit sakit lang.

“summer, tama na yan, madami ka nang nainom.” I tried to get the bottle from her hand pero iniiwas niya sa akin.

“ano ba? Diba dapat, malungkot ka rin kasi nalaman mo na inlove ang girlfriend mo sa kuya niya? Na hindi ikaw ang mahal niya? Ano kaba heaven? Wag ka ngang martir diyan. Dapat gumagawa tayo ng way para mapaghiwalay sila.” Hindi lang niya alam kanina pa ako nakapagthirteen hell shots pero parang walang epekto. Hindi lang niya alam matagal na akong nagdudusa. SHIT LANG!!

“bakit pa? Kaligayahan ko ang kaligayahan niya. Mahal ko siya kaya ko siya pinapakawalan. Alam mo, ang true love kasi, hindi selfish. Kung mahal mo ang isang tao, happiness niya ang iisipin mo at hindi ang happiness mo. Gets mo? Kaya ikaw tama na ang drama. Matulog ka na.” Nakita ko siyang napangiti sa sinabi ko. dahil siguro sa kalasingan, hindi na niya napansin na naglipat na ako ng the bar sa isang baso.

“hahahaha... kaya ka nga nagmamahal diba? Kasi gusto mong maging masaya? Bakit happiness niya ang kailangan mong isipin?” napaubob siya sa counter. Akala niya may laman pa yung bote, pero hindi niya alam tinutungga ko na. Wew!! Ano ba to!! Parang bigla akong nainitan? Wala bang aircon diyan?

IM INLOVE WITH MY BROTHERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon