Chapter Eighteen

71.5K 1K 75
                                    

Pinagbuksan ako ng pinto ni Ford kaya nagpasalamat ako sa kanya. Nilibot ko ang tingin ko sa buong lugar. It was a little bit dark when we came, until all the lights turned on.

"I hope you won't cry ever again..." Mahinang sabi ni Ford at tsaka nagsimulang maglakad pabalik sa sasakyan niya.

"Ford! Teka..." Hindi na niya ako narinig dahil mabilis niyang pinaandar ang sasakyan niya.

Napalingon na lamang ako sa likuran ko nang makarinig ako ng tunog mula rito. I didn't noticed there's a yacht near here, in front of me was Allain walking towards me, all smiles.

Hindi ko alam kung ngingiti ba ako pabalik sa kanya, dahil una sa lahat, naiinis ako dahil hindi siya ang sumundo sa akin.

"I hate you!" Bungad ko sa kanya nang sa wakas ay makalapit siya sa akin pero tinawanan niya lamang ako at tsaka mahigpit akong niyakap.

"I love you..." Namilog ang mga mata ko. Hindi na ata ako masasanay na marinig ito mula sa kanya. "Do you still hate me?" Hinuli niya ang paningin ko, para magkatagpo ang mga mata naming dalawa.

Ngumuso lamang ako. "I still hate you."

"And I still love you..." He gave me a genuine smile and I think my heart just melted because of that. Pero hindi ko yun pinahalata sa kanya, I maintained my expressionless face.

"Bakit ba tayo nandito?" Pag-iiba ko ng usapan tsaka bahagyang lumayo sa kanya. Napansin kong lumungkot ang mukha niya pero agad niya rin namang pinilit na ngumiti tsaka itinuro ang yacht.

"Let's go?" I've ride yacht before, we have our own. And I think this one's Allain's because of the sign D.V.

Inabot niya ang kamay ko para maalalayan ako sa pagsakay dito. Nakaantabay din ang ilang bodyguards niya at sa tingin ko'y kasambahay nila. Bumungad agad sa akin ang petals ng yellow roses, kasabay ng huling hakbang ko ay ang biglaang fireworks sa kalangitan.

Gustong-gusto ko talaga ang fireworks...without noticing it, I found myself already smiling... Humawak ako sa front railings habang pinapanood ang fireworks display kasabay nito ang unti-unting pag-andar ng yacht.

I love fireworks display...because it simply gives me that light feeling. Although maingay, it only meant I'm not alone. Yung fireworks display kasi mapapanood mo mula sa kalangitan, and if you really wanted to appreciate how beautiful it was, ay kailangan mong pagtuunan ng pansin...marami agad ang makakapansin sa fireworks... And just like before gustong-gusto kong maihalintulad sa fireworks, yung kahit hindi naman mapansin ng marami okay lang, basta mapansin ako ni Allain...maingay ako...makulit...madaldal pero huli na eh..

It's true you'll realize the worth of someone when she's already gone. When she already gave up on you. It's true that once your trust for that specific person had already been broken, it would be harder to fix again... Madali lang naman kasing ibigay ang tiwala eh pero kung masira, mahirap ng ibalik pa.

"I think you're the most beautiful fireworks display I have ever watched..." My heart skipped a beat hearing those words from him. He gave me a back hug. But no... I won't let him see how still affected I am when it comes to him.

Hinayaan ko lang siyang yumakap sa akin mula sa likuran. Habang pinipilit ko ang sarili ko na mag-concentrate sa panonood ng fireworks display.  "I'm sorry if I'm being selfish again. Pushing you with me in this wedding...wala na kasi akong maisip na paraan para lang bumalik ka sa akin..." Hinayaan ko lang siyang magsalita.

"Nasanay kasi ako...sinanay mo ako na lagi kang nandiyan. Na hinding-hinding mo ako iiwan..." Nabasag ang boses niya, na pakiramdam ko'y iiyak siya ngayon. "...no matter how heartless this billionaire could be. I just realized everything...when I knew you're not coming back anymore." Nagtutubig na naman ang mga mata.

Endless Tears in Every Heartache [Completed:2016 ]Where stories live. Discover now