Chapter Twenty-One

62.4K 952 52
                                    

Tumakbo ako palabas ng kwarto na yun. I get my car keys. I left him there just like that. Hindi ko alam, gulong-gulo ako. It so hard to trust someone again after being hurt over and over again.

Mahal ko siya pero sobrang hirap nang bumalik pa ulit sa kanya.

I drove fast. Napahampas ako sa manibela nang ihinto ko ang kotse sa kung saanman. Napahagulhol na lamang ako sa pag-iyak.

Lumabas ako ng kotse at pinagmasdan ang buong lugar. The city lights were so beautiful up here. But I can't appreciate those city lights while here I am crying so hard.

Hindi ko nasagot ang tanong niya. Sobrang bilis ng mga pangyayari. Natatakot ako....natatakot ako na baka ngayon, oo nandiyan siya pero baka bukas wala na ulit.

Ganoon kasi lagi ang nangyayari, nasanay na ako kaya hindi na maalis ang takot sa puso ko.

"Ayoko nang maiwan ulit."  Ani ko sa aking sarili habang humihikbi. Umupo akong mag-isa bench at may tumabi rin agad sa akin.

"You were never left behind." Nag-angat ako ng tingin sa kanya. "Akala mo lang yun...hindi mo kasi makikita ang iba kung yung mga mata mo para lang sa kanya..." Tumingin siya kalangitan.

Kitang-kita ko ang lungkot sa kanyang mga mata kahit nakangiti siya. There would always be this one person in this world that would rather choose to hide the pain within their smiles.

"Ivan..." Napatakip ako ng bibig dahil sa aking paghikbi.

"You can't force yourself to love someone, pero sana bigyan mo rin ng chance yung iba. Kahit one chance lang Cline." Hindi ako makaimik pang muli dahil panay hikbi na lamang ang nagagawa ko.

Hindi ko namalayan kung ilang oras kaming nanatili rito, ang alam ko lang, mahabang oras kaming tahimik na dalawa.

"I'm sorry..." Sa wakas ay nagkaroon na ako nang lakas ng loob na magsalita. Tumayo ako. "I'm sorry. Ang selfish ko siguro, kasi hindi ko kayang magbigay ng chance para sa iba..." Tila pinipiga ang puso ko. "Pero kasi Ivan, masisisi mo ba ako? Kung ganito ako magmahal. Kasi believe me, ginawa ko ang lahat para pigilang mabuo ulit yung meron ako para sa kanya kaso---"

"Hindi mo kaya. Hindi mo kaya kasi mahal na mahal mo siya kahit paulit-ulit kang umiiyak ng dahil sa kanya." Namilog ang mga mata ko nang biglaan ang paglapit niya sa akin at tsaka niya ako mahigpit na niyakap. "Pareho lang tayo Cline, kahit alam kong wala akong pag-asa sayo, hindi ko pa rin mapigilan ang nararamdaman ko para sayo." Naramdaman ko ang pagkuha niya ng malalim na paghinga. "Mahal pa rin kita, kahit anong iwas ang gawin ko..."

Humiwalay ako sa yakap niya. "B-bakit Ivan? Bakit ako?" Naiiyak kong tanong niya. "Bakit ako kahit alam mong siya lang?"

"Kasi ikaw si Cline. Kasi hindi sila si Cline. Kasi ikaw ang mahal ko." Mas lalo lamang akong naiyak sa naging sagot niya.

"Please....iba na lang Ivan. You know you can find a girl that's worth your love." Umiling lang siya.

"I don't think I can love another girl if it wasn't you." Pumikit siya nang mariin at pilit na ngumiti sa akin. "Bakit hindi na lang ako Cline?" Tila bumalik sa akin ang tanong ko kanina.

"I'm sorry...I'm sorry... I'm sorry ..." Bakit ba kasi kailangang maging ganito kakumplikado ang mga bagay. Bakit hindi na lang natin mahanap ng tuwiran yung nakatakda para sa atin? Bakit minsan kailangan pa nating magmahal ng iba muna bago natin ma-realize na may ibang nakatakda para sa atin?

"Sinasabi mo bang sumuko na ako sayo?" Dahan-dahan akong tumango bilang sagot sa tanong niya. "I won't Cline..not until I won't see you crying over him again..." Umiling-iling ako.

Endless Tears in Every Heartache [Completed:2016 ]Where stories live. Discover now