Epilogue

92.3K 1.3K 210
                                    

Leanna Cline Servida.

How will I describe her? That childish, immature girl who never waste time clinging onto me. She was never a brat, she was kind in her own ways, but I don't like her for being clingy. She's not like Amari, who's prim and proper. I just don't like clingy girls.

"Kumain ka na?" One time she asked me. Umiling lamang ako habang inaayos ang collection ko ng toy cars. "Mas maganda pa ako sa toys mo, pansinin mo na ako." I glared at her. Nakakairita talaga. "I saw Amari." Agad akong napatayo para lumabas nang bigla siyang humagalpak sa tawa.

Humarap ako sa kanya at sinamaan ko siya ng tingin. "Joke lang! Why so serious Allain?" Hindi ko na lang siya muling pinagtuunan pa ng pansin. "Crush mo ba si Amari?" I don't know what to name with her tone of voice now, but it's kinda different.

"She's my soon to be wife." Nawala ang matinis at nakakairitang boses sa kwarto. She stayed quiet for a couple of minutes kaya nag-angat ako ng tingin sa kanya. Bigla siyang humagalpak sa tawa.

"How sure are you?" Naghahamon niyang tanong sa akin. She even crossed her arms over her chest. I was thirteen years old, she was ten years old. "Paano kung ako ang mapangasawa mo." Puno ng confidence niyang wika.

"No way!" Natigilan siya sa naging tugon ko. For the first time, I saw her jolly face turned so upset. Tila may bumara sa dibdib ko. Hindi ko alam kung anong ipapangalan sa naramdaman ko ngayon. This is weird.

Bata palang ako, gusto ko na talaga si Amari. She's older than me by years but I don't really mind it, I believe that age, height whatever number have nothing to do especially when you really like someone. Si Amari, siya lang halos ang makikita ng mga mata ko. Pero ewan ko ba, itong si Cline, ayoko mang aminin pero...pero...nagkakaroon ata siya ng puwang sa puso ko. Ayoko mang aminin pero nakikita na siya ng mga mata ko.

Grade 12 ako, Grade 9 siya. Isang araw napadaan ako sa classroom niya nang hindi sinasadya. Dapat ay lalampasan ko ang classroom niya pero hindi ko maiwasang mapatigil nang dahil sa malakas na hiyawan at tilian ng mga kaklase niya.

Sa gitna ng classroom ay si Cline...napakunot ako ng noo nang makita ang isang lalaki na lumuhod sa harapan niya. Inabot niya ang flowers kay Cline. Napangisi ako, hindi ito tinanggap ni Cline. "I'm sorry, may iba na akong gusto."

That's my girl.

Fuck. Napailing ako nang magtama ang mga mata naming dalawa. Lumabas agad siya ng classroom niya samantalang ako ay naglakad paalis sa tapat ng classroom nila. Like the usual, she chased me again. Binilisan ko ang lakad ko at sinadyang magtungo sa likod ng building namin.

"Wala yun!" Hinihingal siyang napayuko at napahawak sa tuhod niya. "Hindi ko siya pinayagang manligaw.'' Sa hindi malamang dahilan napangiti ako. Hindi ko maintindihan. She doesn't need to explain herself but why do I feel so damn happy about it.

"Okay." Umupo ako sa ilalim ng puno tsaka sinandal ang likod ko rito. Pinikit ko ang aking mga mata, naramdaman kong tumabi siya sa akin. Sinandal niya ang ulo niya sa balikat ko. Hinayaan ko na lamang siya.

I found myself smiling. "Ikaw lang ang gusto ko. Ikaw lang ang gugustuhin ko." Unti-unti na siyang pumapasok sa sistema ko.

What I hate the most about myself is to fall for two different girls at the same time. Hindi ko alam kung bakit hindi ko mapakawalan si Amari pero gusto ko ring makasama si Cline. I'm in love with Amari and I fall in love with Cline at the same. I fucking hate myself for that. Bakit kasi ganito ako? Hindi ko iyon maamin sa kanya. Nagmahal ako ng dalawang magkaibang babae sa parehong panahon.

Only to realize, I didn't love a girl at the same time, I thought I did. I was just so used to loving Amari unconditionally that I got confused when I fall in love with Cline. Doon ko lang na-realize na... I was in the phase of moving on when I realized that I'm already in love with Cline. It's just so hard to explain because what I felt is just so unexplainable. Like how I fell for her... I fell for her without knowing I did. I just knew I fell for her, na hindi ko na kakayanin pang mawala siya sa akin.

Endless Tears in Every Heartache [Completed:2016 ]Where stories live. Discover now