Chapter Twenty

66.3K 1K 39
                                    

"You wanna come with me?" Nagulat ako sa tanong ni Allain habang kumakain kami ng agahan. Kumunot ang noo ko.

"Saan?" I am so free the whole day. I'm sure he knows it that's why he's asking me.

"Sa company." Napaisip ako sandali, matagal na rin pala noong huli akong nakapunta sa company nila. Todo iwas ako sa pagsama kina mommy and daddy whenever they have social gatherings, paniguradong nandoon kasi si Allain.

"Okay." Simpleng sagot ko at tsaka ko inubos ang natitirang pagkain sa plato ko.

Nang matapos akong maligo ay nagbihis lamang ako ng simpleng damit, para hindi ako makaagaw ng atensiyon mamaya.

"You ready?" Tanong niya sa akin nang kumatok siya at pumasok para masiguro kung okay na ba ako. Tumango lamang ako at tsaka kinuha yung pouch ko.

"Ano palang gagawin ko roon?" Takang tanong ko nang pinagbuksan kami ng bodyguard niya ng pinto ng kotse.

"Just wanna show you my world while you stay by my side." Ngumiti siya sa akin kaya nag-iwas ako ng tingin. Tinanaw ko na lamang ang mga tanawin sa labas.

Tahimik lamang kami habang nasa byahe. Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman kung dati kasi ay walang paalam ako kung magtungo sa kanya. Wala akong pakialam kung maiirita siya, ngayon kasi ibang-iba...hindi ako sanay.

Ganito pala yung pakiramdam. This is the feeling I've been longing to have since then. The feeling when someone would give you his time and effort... Kung sana dati pa Allain...

"Good morning Mr. Del Valle." Seryoso sa paglalakad si Allain habang ang lahat ay natitigilan sa bawat hakbang niya.

Marami ang bumabati sa kanya pero ang lahat ng ito ay bahagyang nginingitian niya lamang. Ang ilan ay halos mahimatay sa kilig. Napairap ako sa kawalan.

Natatabunan ako ng mga bodyguard niya kaya wala masyadong nakakapansin sa akin. Inaayos ko lang ang shades na suot ko para hindi nila ako mapansin.

Sumakay kami sa elevator na para sa CEO lamang, para kay Allain lamang. Kaming dalawa lang ang nasa loob ng elevator dahil may elevator para sa bodyguards niya.

"Can I..." Nag-aalangan siyang humarap sa akin. "Can I...uh...can I hold your hand?" Tsaka siyang mariing pumikit. Napangiti ako sa inasta niya pero hindi ko ito hinayaang makita niya.

"Okay." Nagkabit ako ng balikat at mabilis niyang hinawakan ang kamay ko.

His office was on the last floor of this company. I'm not sure if it's on the thirty-plus floor kasi hindi ko na napansin noong humarap siya bigla sa akin.

Walang masyadong employee sa floor na ito, piling professional employees lang ang nandito. Nadaanan ko ang office ni Ford kaya natigilin ako. "Is Ford still there?" Wala sa sariling tanong ko kay Allain.

"Why do you always ask about Ford? Do you like him now?" Nakakunot ang noo at nagtiimbagang nang magtanong si Allain.

Nabigla ako sa tanong niya pero agad din naman akong sumagot. "Yes I like him." Simpleng sagot ko sa kanya. Nagulat ako nang napabitiw siya sa kamay ko.

Nakita ko rin kung paano tila nasaktan siya sa sinabi ko. Paulit-ulit kong inisip ang naging sagot ko. Tama naman ako. I don't hate Ford so I like him. Why would I hate someone like Ford. "Uh...he was my bodyguard remember? So Yes, I like him. I mean it." Dagdag ko pa. Pero hindi na siya muling umimik pa.

Ganoon kami. Tahimik siya habang nakaupo sa swivel chair niya at nire- review or sign ang mga paper na tambak sa table niya.

Samantalang ako ay nandito lang sa sofa, at nagbabasa ng magazines na halos siya lang ang laman. Business magazines.

Endless Tears in Every Heartache [Completed:2016 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon