Chapter Six

84.2K 1.5K 91
                                    

Allain x Cline x Ivan on the media 💕
(Credits to the rightful owners of the photos used)

---

Dumating kami sa isang rest house sa Tagaytay. Sa tingin ko ay sa kanya ito. Napangiti ako. He held my hand after he parked his car.

"Let's go?" Tumango ako tsaka ngumiti ng malapad sa kanya. My God! This feels so surreal. Ito na ba ang simula naming dalawa?

Pinatunog niya ang kanyang Audi A4 at tsaka ako iginiya papasok sa kanilang rest house. It's almost 9 PM. Teka may pasok pa ako bukas!

"Are we going to spend the night here?" Litong tanong ko sa kanya. Only to realize I've chosen the wrong words. Hala! Iba ang dating ng mga sinabi ko. "I...mean..uhm..k-kasi may pasok pa ako bukas..." Relax Cline! Wait. Why am I nervous? It's not like we're going to do something. I'm only 17. But we kissed like that. Well, he thought I was Amari, that's why. So that's not counted!

He chuckled and I blushed. Tinakpan ko ang mukha ko nang mapagtanto kung gaano nakakahiya ang ginawa ko.

"Cute." Ngumisi siya at tsaka tinanggal ang pagkakatakip ko sa mukha ko. Pinagsalikop niya ang kamay naming dalawa. Mas lalo ata akong nahiya. This is so not me! "You're hungry right?" Tumango na lamang ako. Jusko! Hindi bagay sa akin. Ang kapal kaya ng mukha ko pagdating kay Allain, ngayon lang ata ako nahiya ng ganito.

Hindi kasi ako sanay.

"Nagpaluto ako kay Manang, yung caretaker nito." Tumango ako tsaka sumunod sa kanya. He's still holding my hand. Okay lang ako! Kinikilig ako!

Pinaghila niya ako ng upuan at tsaka doon ako umupo.

"Here." Hindi ko napansin na nilagyan pala niya ng pagkain ang aking plato.

Napawi ang ngiti ko nang makita kung ano ang nasa plato ko. It was shrimp. He doesn't know. Allergic ako sa shrimp. Pinilit kong ngumiti. The food will be wasted if I don't try to eat it. It won't hurt that bad naman diba? At isa pa. Ayokong isipin ni Allain na mapili ako sa pagkain.

"You don't like it? I asked manang to cook it for you." I heard disappointment from his voice. "I thought you'll like it..." Halos pabulong niyang dagdag.

Pinilit kong ngumiti. It's okay. I'm sure I still have my antihistamine medicines on my bag. Iinumin ko na lang pagkatapos.

"No...no...I like it." Alanganin akong ngumiti sa kanya. I'm not really familiar on how should I eat this shrimp. Bata palang kasi ako ay na-discover na ng doctor ko na allergic ako sa shrimp, so since then I haven't really tried it at all.

"Let me." Naghugas muna siya ng kamay tsaka kinuha ang ilang shrimps para ihiwalay ang balat nito. Nilagay niya sa plato ko yung mga natanggalan niya na ng balat. "Try mo yung sabaw niyan. You'll like it." Ngumiti siya sa akin.

Nanginginig ang kamay ko habang isusubo ko na sa aking bibig ang kutsarang may sabaw. Tama lang ang asim nito. Masarap ito subalit damang-dama ko ang epekto ng lasa ng shrimp sa may lalamunan ko. "Masarap. I like it." Halos hirap na hirap akong ibuka ang bibig ko. I need to bear it. Saglit lang naman kaming kakain.

Sinunod ko na ang shrimp. Nangangati na agad ako makita ko palang itong nasa kutsara kasama ang kanin.

Diretsahan ko itong sinubo tsaka mabilis na nginuya at nilunok. Hindi pa siya kumakain dahil tinatanggal niya pa yung balat ng hipon para sa akin. Hindi na ako makangiti ng maayos. This is more than enough.

"I haven't seen you eating shrimp. So probably this is your first time." Tumango ako. "I'm glad I'm with you while eating this for the first time." Ngumiti pa siya. Kung hindi lang ako allergic sa shrimp ay baka kanina pa ako kinilig dito.

Endless Tears in Every Heartache [Completed:2016 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon