Two

357 15 2
                                    

Nathalie

"But I have to break up with you.. I'm sorry." hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko. Hinintay ko lang na bawiin niya ang mga sinabi niya.

"Ha-ha-ha. Tama na yan Dylan.. kasi, h-hindi nakakatuwa." pagpeke ko sa tawa ko habang nararamdaman ko na ang pag-init ng mukha ko.

"I'm sorry. I'm not joking." sabi niya sabay lapag ng microphone sa table at umalis. Naiwan lang akong nakatayo sa gitna ng quadrangle. Wala akong ibang marinig kundi ang mga katagang sinabi niya kanina. Tuluyan ng tumulo ang luha ko. Hindi ko lubos maisip na kaya niya kong bitawan ng ganun ganun nalang.

Sikreto ang relasyon namin ni Dylan pero naramdaman kong minahal niya ko. Kung tutuusin ay tatlong buwan niya kong niligawan. Kahit nung kami nag-eeffort siya. Iniisip ko tuloy kung anong naging pagkukulang ko. Naging masyado ba kong tahimik? Masyado ba kong mahiyain? Pwede naman niyang sabihin e. Pero bakit ngayon pa siya nakipagbreak sakin? Bakit?

Naramdaman ko nalang na may humila sakin palabas ng quadrangle. Wala akong makita, inooccupy na ata ng luha ko ang buong mata ko.

"Ano bang nangyari sa'yo?! Halos buong campus pinag-uusapan at pinagtatawanan ka na! Ba't nandun ka padin sa gitna?"

"Y-Yvonne."

"Wala na kayo ni Dylan?" niyakap ko siya at tumango nalang. Siya si Yvonne, ang bestfriend ko. Alam niyang may relasyon kami ni Dylan, pero pagkatapos nun bigla nalang siyang nawala. Napag-alaman kong may heart disease pala siya.

"Tahan na, wag ka nang umiyak. Sasamahan nalang kita sa classroom niyo." sabi niya at naglakad na kami. Wala akong ibang marinig kundi bulungan. Halata namang ako ang pinag-uusapan nila dahil sa nangyare kaninang umaga. Pumasok na ko ng classroom at hanggang dun, punong puno ako ng kahihiyan.

"Grabe, ang kapal naman ng pagmumukha netong babaeng 'to at nagpakita pa sa classroom. Buti na nga lang at hiniwalayan siya ni papa Dylan ko!"

"Niloko lang siya ni Dylan mylabs ko! Kasi ako talaga ang liligawan niya e!"

Hindi ko na nakayanan at lumabas na ko ng classroom. Simula first subject, puro yun ang naririnig ko. Hanggang sa labas, yun padin. Nakakaasar.

"Hoy. Babaeng malandi!" napatigil nalang ako sa paglalakad dahil sa narinig ko. Hinarap ko yung nagsalita, ah.. si Francheska. Yung Queen Bee.

"Wag ka kasing feeling. Ayan naiwan ka tuloy." sabi nung isa sa mga alipores niya.

"Sa dami kasi ng shoshotain mo, yung sikat pa. Eh ano ka ba dito sa campus? Isang hamak na scholar.. Walang wala ka kay Dylan. Isa ka lang sa mga babaeng pinaikot niya."

"Isa ka lang sa mga babaeng pinaikot niya."

"Isa ka lang sa mga babaeng pinaikot niya."

"Isa ka lang sa mga babaeng pinaikot niya."

"Hindi! Hindi totoo yan!" humagulgol na ko sa sobrang sakit ng nararamdaman ko. Ayoko na. Masyado ng masakit. Tinawanan lang nila ako at umalis. Tumakbo lang ako ng tumakbo hanggang sa makaabot ako ng gate ng campus. Akala ko makakaalis na ko at mawawala na ang sakit na nararamdaman ko. Pero nakita ko si Dylan.. may kasamang babae.. Masaya siya.. Mas masaya kesa sa mga oras na kasama ko siya.. Naramdaman ko nalang na may yumakap sakin, at inabutan ako ng panyo.

"Wag ka nang umiyak.."

"James.."

"Tara sa park.. Ilabas mo lahat ng nararamdaman mo."

 ------

Nakarating kami sa park at dun umupo sa field. Mag-ssix nadin nung nakarating kami dito.

"Sabi sayo e. Wag mo na siyang sagutin." oo, tama siya. Binalaan na niya ako about dito.

"Minahal ko naman siya e. James ba't ganon?" umiiyak nanaman ako. Sobrang sakit lang ng nararamdaman ko.

"Eh ikaw ba? Minahal ka niya?" napaisip nalang ako sa sinabi ni James. Guy bestfriend ko siya, kaya kung ikukumpara kay Dylan, mas nakakasama ko siya. Mas magaan ang loob ko sa kanya. Mas nalalabas ko yung totoong ako sa kanya.. ba't kasi hindi nalang siya?

Niyakap niya ko at patuloy padin akong umiyak. "James, n-nakita ko si Dylan at Yvonne na magkasama kanina.. Ang saya-saya nila." sabi ko habang patuloy na umiiyak. Saglit lang kaming nagsama ni Dylan pero masasabi ko na talagang minahal ko siya. Nasaktan din ako dahil magkasama sila ni Yvonne, ang bestfriend ko na naging ka-MU niya, bago naging kami.

"Hayaan mo nalang sila.. Nandito naman ako e."

 ----------------------

[ 3 months later ]

Tatlong buwan na ang nakakalipas simula nung naghiwalay kami ni Dylan. Nabalitaan ko na din na si Dylan na at Yvonne. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako para sa bestfriend ko o masasaktan dahil may iba na si Dylan. Malaki na din ang pinagbago ko ngayon, mas naging totoo na ko sa sarili ko. Ayoko ng magtago e. Naging mas palaban nadin ako at sinasagot ko na lahat ng mang-away sakin.

Nandito lang ako sa park kung saan ako naglabas ng nararamdaman kay James. Nandito ako sa tuwing gusto kong mapag-isa.. kanina kasi, nagkausap kami ni Dylan.

Naglalakad lang ako sa campus ng makita ko si Dylan na nakikipaghalikan kay Yvonne.. Sila na pala. Sa mga panahong 'to naniniwala na ko sa mga sinasabi nila.. Niloko lang ako ni Dylan. Sige, simula ngayong araw na 'to, pinapakawalan ko na siya.

Pupunta nalang akong park, para mapag-isa hayys.. Di pa ko nakakalayo ng may nabangga ako. Yung damit, yung amoy.. napatingin ako kung sino ng makita ko si Dylan.. Wala paring pinagbago. Pogi parin.

"Ah, sorry." sabi ko at umalis na. Hinawakan niya ang braso ko at hinarap niya ko sa kanya.

"Dylan, masakit!" sabi ko habang pilit na tinatanggal ang pagkahawak niya sa braso ko.

"Nathalie, let us talk." tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa braso ko at umalis na. Tumigil ako sandali para sabihin sa kanyang:

"Wala na tayong dapat pag-usapan.. Aalis na ko."

"Ano bang problema mo?!" nilingon ko siya, lumapit ako sa kanya at sinampal ko siya.

"Bakit hindi yan ang itanong mo sa sarili mo Dylan!? Makasarili ka!" 

"Dylan? Nathalie?" narinig kong sabi ni Yvonne mula sa likod ko. Hindi ko na kaya, babagsak na ang luha ko kaya mas pinili ko nalang tumakbo papuntang park.

Tahimik ko lang pinanuod ang sunset ng maramdaman kong may umupo sa tabi ko.

"James.."

"Nandito ka lang pala.. Kanina pa kita hinahanap e." tumahimik lang ako at nginitian siya. Alam niya na sigurong peke lang yun. Sa tagal ba naman ng pinagsamahan namin.

"Mahal mo padin siya ano?" tahimik lang ako habang pinagmamasdan ang araw na lumulubog.

"Alam mo James.. Si Dylan parang araw." napatingin naman siya sa gawi ko nahalatang interesado siya sa mga sasabihin ko.

"Siya lang kasi yung nagpapaliwanag ng mundo ko e. Simula nung minahal ko siya, kung wala siya.. hindi siguro ako mabubuhay.."


"Pero ngayon, wala na talaga siya.. Hinding hindi na siya magiging akin ulit." sabi ko ulit.

"Pero alam mo? Pwede mo kong maging moon."

Still Into YouWhere stories live. Discover now