Nine

224 13 3
                                    

Nathalie

Thursday na at pinuntahan ko si Dylan sa may gym para tanungin kung kamusta na yung music video namin. Medyo nahirapan akong lumapit sa kanya dahil kasama niya si Yvonne. Mukhang may tampuhan nga sila e. Kaso nga lang, hindi naman maiwan ni Dylan si Yvonne, kaya ayon. Naghintay nalang ako. Mga 30mins din siguro silang nagbangayan, chos. Joke, nagsagutan lang. Di narin nagtagal e, nawalk-out si Yvonne. Nakita ko naman si Dylan na napahilamos nalang ng mukha sa may bleachers.

Lumapit na ko kay Dylan at inabutan siya ng tubig. "Okay ka lang?" sabi ko sa kanya at napatingala siya sakin. "Ah, medyo." sagot niya.

"Nag-away kayo ni Yvonne?" pagtatanong ko at napatingin naman siya ng malungkot sa akin. "Ah okay. Sige, hindi na ko makikichismis." sabi ko nalang ulit at napangiti siya. Fak, napangiti ko siya! Ah, okay.. Sige. Ang babaw mo Nathalie. Napaka!

"Ba't ka pala nandito?" sabi niya sakin. Sasagot na sana ako e. "Iniistalk mo ko noh?" pahabol niya pa.

"Wow ha. Ang kapal mo sobra!" sabi ko at hinampas ko siya.

"Hahahaha!" tinawanan niya lang ako at ginulo yung buhok ko. Ang bipolar netong lalaking 'to! Sobra!

"Ano ba! Yung bangs ko naman e!" > 3 <" sabi ko at inayos ko na yung bangs ko.

"Tara! Libre kita Starbucks!" sabi niya at lumiwanag naman ang magaganda kong mga mata. Chos, joke lang.

"Gusto ko ng Coffee Jelly please!!" sabi ko ng may talon talon pa! Oy! Minsan lang 'tong libre libre na 'to ha! Sayang! Grab the opportunity! Hahaha!

"Osige, kahit orderin mo pa lahat ng cheesecake sa Starbucks." sabi niya ng nakatingin at nakangiti sakin. Naaalala niya pa pala. Favorite ko kasi ang cheesecake, at every time na stress ako, pinadadalhan ako ni Dylan ng cheese cake sa bahay. Nakakatuwa lang, well..siguro naman hindi pa ganun katagal ang break-up namin kaya naman naaalala niya pa. Wag lang assuming Nathalie. Ina ng awa.

Excited na excited akong pumunta ng Starbucks kasama si Dylan at nag-order kami ng Oreo Cheesecake, Cookie Crumble Cheesecake at Coffee Jelly ng para sakin lang! Tapos siya naman kape lang ang inorder. Ay jusmeyo, bahala siya basta ako kakain!

Ewan ko kung matatawag na date ito, pero masaya..I mean masarap! HAHAHA. Magkwentuhan kami ni Dylan at madalas pa nga kaming nag-aasaran at nagtatawanan. May pagkakataon pa ngang sinusubuan niya ako at pinapahiran ng whip cream sa ilong! Okay, dami kong tawa! Ge, feel na feel ko na nga actually yung kilig ko e. Kaso biglang bumulong si Dylan..

"Lalapit daw si Mike, wag kang titingin sa camera ah?" ang sakit ; ; huhu nagshoshoot parin pala kami. HAHAHA. *fake laugh* sulitin mo nalang Nathalie, kaya mo yan! Aja! Fighting!

Nakita ko namang lumapit si Mike ng konti at bigla naman akong pinahiran ng whip cream netong si Dylan! Aba'y shempre! Ikinagulat ko! Eh di bumawi ako! Nagkulitan pa kami at nagssweet-sweetan. Oo na nga, sige na. Inaamin ko na, mahal ko pa si Dylan. Kaya susulitin ko na 'tong araw na 'to. Eto na siguro yun last. Kasi, sa mga susunod na araw....hindi ko na siya pwedeng hawakan, tignan at maka-usap.

"Tulala ka dyan?" sabi ni Dylan. "Uy, tara. Punta tayong park, tignan natin yung sun set."pahabol niya. Fakshet Dylan, ba't mo hinawakan yung kamay ko. :( Di na ko mapakali. Parang gusto kong ilabas lahat ng nararamdaman ko sa kanya. </3 saket mga bh3. Maya-maya pa'y nakarating na kami sa park. Di ko alam pero tinanggal ko yung pagkakahawak niya sa kamay ko.

"Nathalie, bakit? Nagshoshoot tayo.." sabi niya sakin. Pero di ko yun pinansin.

"Dylan, bakit?" sabi ko sa kanya, di ko namalayan na pa-iyak na pala ako.

"Nathalie?"

"Sorry, ngayon pa ko nagtanong ha? Pero bakit? Bakit, si Yvonne pa? Bakit..B-bakit mo ko binitawan ng ganun ganun nalang?" at ayun na nga, tumulo na yun luha ko. Hinawakan niya yung kamay ko.. "Nathalie, I'm sorry."

"Sorry lang, Dylan? Yun lang? Sa tingin mo ganun lang kadali yun?!"

"Nathalie--" napakabipolar ko, kanina saya saya ko tapos ganito. Papaalis na sana ako pero hinawakan niya yung braso ko..

at hinalikan ako.

-------------------------------------------------------------

Still Into YouWhere stories live. Discover now