Ten

159 9 1
                                    

Nathalie

Kinabukasan....

Ngayon na yung announcement ng winners para sa Musical Week. Yung mga music video. Ang eng-eng lang ng school ko, 7PM inistart yung program. Tss. Nakakaloka. Kung iniisip niyo yung hinalikan ako ni Dylan.. well.. Eto lang naman yung nangyare..

"Sorry lang, Dylan? Yun lang? Sa tingin mo ganun lang kadali yun?!"


"Nathalie--" napakabipolar ko, kanina saya saya ko tapos ganito. Papaalis na sana ako pero hinawakan niya yung braso ko.. at hinalikan ako.

"Saranghae.." sabi ni Dylan pagkabitaw na pagkabitaw ng labi niya sa labi ko. Namula ako, pinunasan niya yung luha ko.

"And.. cut!" sigaw ni Mike sa likod.

Saya diba?! Yung todo emote ako tapos nagshoshoot padin pala! Well, hindi na ko nagalit kasi ang alam ni Dylan alam ko yung lintek na kulang para sa music video. Ayun na nga yun e, yung kiss! -___-

"Good evening students! Magsisimula na po ang ating program. Pero bago yon, let's announce the winners!" ay, ayan na pala. Start na pala ng program. :( Anong petsa na, sabi 7pm pero 8pm na! Kaloka! Pano ako makakauwi neto?

"For the best music video, boys division.. We have Dylan Legaspi of 4-A!" nice! Nanalo si Dylan! Humarap ako sa gawi niya at nagthumbs up! Nginitian niya naman ako. Maya-maya pa e plinay na ng admins ang video. Well, ganun padin naman. Pero may ibang nadagdag, katulad ng mga magkasama kami ni Dylan na nagsilbing flashbacks. Meron pa nga yung magkasama kami ni James! Kunyare daw nagseselos si Dylan. Charot! Hahaha

"The song was When I was your Man by Bruno Mars!" at nagpalakpakan ang lahat at shempre proud na proud ako. Partner ako e! Pupunta ako after bumaba ng stage ni Dylan, shempre icocongratulate ko siya. Napatingin naman ako kay Yvonne na proud naman pero hindi maipinta ang mukha. Sows, dami talagang arte ng babaeng 'to. Parang magpartner lang e! Papunta na sana ako kay Dylan para icongratulate siya nang...

"And for the best music video, girls division.. We have Nathalie Nichole Lopez of 4-A!" wtf. Okay, as in nagulat ako. I have nothing to say wtf wtf wtf. So ipplay yung video ko?! Eh napaka-arte ko dun! Baka ibully nanaman ako nila Francheska! Habang paayat ako wala akong narinig na palakpak, but okay na yun basta walang "boo" na naririnig. Binigay na sakin yung award at halos patapos narin yung video, nagbow ako sa lahat and after ng video, may mga pumalakpak naman. Sige, okay na yun!

Bumaba na ako ng stage at tinignan ko si Dylan, nakangiti siya sakin parang sinasabi na, nice one. Hinahanap ko si James, asan kaya siya? Naiimagine ko nga na after kong bumaba ng stage ay siya yung unang magcocongrats sakin. Pero dahil hindi ko siya mahanap, umupo na ko sa upuan ko. Sabi ng admins mamaya pa raw i-aanounce yung winner ng music video by pair. Nagstart na yung program at madaming contests. May Solo singing, Acoustic Duo at Battle of the Bands. Napakatagal! May iba na ngang nag-uuwian na e, kaso kailangan ng parent kapag uuwi ka ng maaga. Since wala naman yung parents ko, mukhang tatapusin ko yung program bago makauwi.

11PM na! Battle of the Bands nalang ang hinihintay matapos. 3 bands lang ang magpeperform at bawat banda ay may dalawang kanta. Kasali ang banda nila Dylan, and Day Breakers. Bassist si Dylan at magaling sila. Babae ang vocalist, si Jessica. Ang una nilang kinanta ay Ignorance ng Paramore. Omg, *0* Ang galing ni Jessica!! At panghuli, Voodoo Doll ng 5SOS.

Di nagtagal, i-aannounce na sa wakas ang winners. Wala na kong pake dun sa nanalo ng Solo Singing at Acoustic Duo, di ko naman sila kilala e! Pero sa Battle of the Bands, nanalo ang Day Breakers!! Wiiieee! Naaawardan rin si Dylan ng Best Bassist. At sa wakas, malapit ng matapos ang program. 11:45PM na at i-aannounce na yung nanalo sa Music Video na by pair.

Still Into YouWhere stories live. Discover now