Thirteen

116 4 1
                                    

Dylan

"Oy, Dylan! Sha tingin ko! Hmm, kailangan mong layuan yang shi.. Shino nga 'yun!?" sabi sa akin ni Mike habang nasa banyo ako. Nasa kalagitnaan ako ng pagliligo nang nagsalita 'tong si Mike. Puno ata ang bibig niya. "Si Nichole! Yon!!" sabi niya habang nagsusuot ako ng pantalon sa loob ng banyo. Pagkatapos ay lumabas na rin ako at nagpapatuyo ng buhok.


"Bakit naman?" nakita kong nakadequatrong nakaupo si Mike sa may upuan malapit sa dining table. Kumakain ng sandwich.


"Kasi ang sungit niya!!" sagot niya at kumagat ulit sa sandwich niya. "Hindi kayo bagay! Nako pre, san ka nakakita ng isang Dylan Legaspi na napakacold at sungit simula nung iniwan ng ex niya tapos sasamahan mo pa ng sobrang taray at sungit na babae?! Pa'no na kayo kapag nag-asawa niyan!?"


"Sino ba nagsabing sosyotain ko yun?"


"Malay mo lang! Kilala kita! Patay na patay ka kaya kay Nathalie nung college tayo! Kaya ewan ko kung bakit si Yvonne pinili mo eh. Tss. Baka patulan mo yun, kamukha pa naman ng ex mo." sabi niya at kumagat ulit sa sandwich niya.


"Tss, dami mong alam. Sige na may aattendan pa kong seminar." sabi ko sa kanya at lumabas na ng condo unit ko. Tss. Kung alam niya lang..


"Sige pre! Ingat! Pahiram ng kwarto mo! Gagamitin lang namin ng kameet up ko sa Tinder—" di ko na pinatapos yung sinasabi niya at dumiretso na ko sa may elevator. Sanay na kasi ako kay Mike. Simula nung naghiwalay sila ni Feline naging playboy na. Kung sino sino ang minimeet sa Tinder. May condo rin naman siya pero ayaw niya raw doon dahil naaalala niya si Feline sa bawat sulok ng condo niya.


Sumakay na ako sa kotse ko at nagsimulang magdrive. Papunta akong Makati kung saan gaganapin yung seminar ko. Sabi ni Dad, last seminar ko na raw yung pagkatapos ay pwede ko na siyang tulungan sa business niya. Unti unti hanggang sa matutunan ko na lahat at ako na ang papalit sa kanya.


Okay lang naman sa aking maghandle ng business. Sa katunayan nga eh, interested ako sa mga seminars at lessons nung nasa gitna ako ng pag-aaral nito. Siguro nga may namana rin ako kay Dad na pagiging business-minded person. Pero siguro not to the point na magpapakabusy ng sobra. Katulad ni Dad.


Ang passion ko talaga is music. And I have to admit na mahirap talagang kumita doon, hindi naman ako total performer. Pero mahilig talaga ako sa music. Damn, I remember Nathalie. Nung Music Week nalang ulit kami naging close. Simula nung..break up. Naaalala ko nun, doon pa kami huling nagkita ni Nathalie sa Awarding. Uwing uwi na siya dun, and then... that happened. After that incident, I felt..alone.


Lumaki akong wala lagi si Dad sa bahay. Hindi naman siya workaholic dati, sa totoo lang masaya kaming pamilya. Nababalanced niya yung work niya pati yung pag-asikaso sa amin. But everything changed when my mom passed away. She died because of car accident. Pagkatapos nun, naging sobrang workaholic na si Dad. I was 15 back then, pero inintindi ko si Dad. Alam ko rin kasi ang feeling ng mawalan. Sobrang dami ng nawala sakin, even before my mom died. Kaya nangako ako sa sarili ko na iingatan ko yung mga taong mahalaga sa akin. But then again, I lost her.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 27, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Still Into YouWhere stories live. Discover now