Five

279 16 8
                                    

Nathalie

Naaalala ko tuloy yung picture nakakaupload lang sa website. 5mins palang nung pagkapost nun ang dami na agad nakapagcomment.

Shit. Bakit pati 'to meron sila?!

Dito nakaupload yung picture kung saan hinalikan ako ni Dylan. Bigla kong naalala yung kaluskos na narinig ko sa playground. May kumuha ng picture samin! Isa isa kong binasa ang mga comments nila. Parepareho lang naman e, kesyo malandi daw ako. Slut, whore, lahat lahat na. Ayoko na...

Agad na kong lumabas sa library at di ko napigilan at lumabas na din ang mga luha ko. Sobrang dami ng mga panghuhusga ang natatanggap ko. Hindi lang sa personal, pati sa mga site na rin. Parang kinamumuhian na ko ng mga tao sa school na to. Napag-alaman ko na din na isa sa mga alipores ni Francheska ang kumuha ng pictures. Sobra silang desperadang masiraan ako dahil hindi nila matanggap na naging girlfriend ako ni Dylan.

"Nathalie!" sabi ng isang galit na boses galing sa likod ko. Ayoko siyang lingunin. Ayoko ng makatanggap ng masasakit na salita galing sa ibang tao. Pero huli na dahil nahabol niya din ako. Hinatak niya ko saka sinampal.

"Walang hiya ka! Ang kapal ng mukha mong ahasin ang boyfriend ko?! Akala ko ba bestfriend kita?!" natigil naman ako sa sinabi niya. Hinarap ko siya at sinampal.

"Ahasin ang boyfriend mo?! Unang una sa lahat, bago naging kayo e, naging kami muna! Yvonne, manhid ka ba?! Dapat nga ako magtatanong niyan e! Akala ko ba bestfriend kita?! Alam mo namang mahal ko siya diba?! Bakit kailangan sagutin mo pa siya?!"

"Hindi siya sayo Nathalie! Bakit ba hindi mo nalang tanggapin na ako ang pinili niya?! Alam mo namang girlfriend niya na ko, hinalikan mo pa!"

"Unang una sa lahat! Siya ang unang humalik sakin! Yvonne, maniwala ka!"

"Shut up! Malandi k--" hindi na natuloy ang sinabi niya ng mapahawak nalang siya sa dibdib niya. Nataranta ako kaya agad ko siyang tinulungan. Nakita ko naman si Dylan na tumatakbo papunta sa direksyon namin.

"ANONG NANGYARE?!" napahawak nalang ako sa bibig ko at umiling iling. Lalo akong naiyak, ngayon ko lang nakita si Dylan na sobrang nag-aalala at sa tingin ko, galit din siya sakin..

Mahal niya nga talaga si Yvonne.. Mahal na mahal niya. Sumunod ako sa kanila para tignan ang kalagayan ni Yvonne. Kahit pa dun sa nangyare kanina, bestfriend ko padin si Yvonne.. Lalo na't ako ang dahilan kung bakit siya nandito sa ospital ngayon.

"Ano pang ginagawa mo dito?" cold na sabi sakin ni Dylan.

"I'm sorry, Dylan. Kasalanan ko lahat." hindi niya ko kinibo, isa lang ang ibig sabihin nun. Ayaw niya ko dito. Tumayo nalang ako at humarap sa kanya. "I'm sorry, sige. Aalis na ko."

Agad akong lumabas ng ospital at dinial ko ang number ni James.

"James.."

"Asan ka? Pupuntahan kita dyan."

"Nasa tapat ng SNU Hospital.."

"Oh sige, dyan ka lang. Hintayin mo ko."

Hinintay ko lang si James dito sa may bench. Inisip ko lahat ng nagawa ko. May nagawa ba kong mali? Mabait naman ako ah? Bakit laging ako yung lumalabas na masama pagdating kay Dylan? Bakit nagkanda gulo gulo na buhay ko simula nung nakipaghiwalay si Dylan? Bak--?

"Nathalie!" sigaw ni James mula sa kaliwa. Agad naman akong napayakap sa kanya at umiyak ulit. "Bakit ganun James? Bakit?" eto nanaman ako, nadadala ng emosyon.

"Tahan na.. Nandito lang ako."

 --------------------------


Ilang buwan na din ang nakalipas simula nung na-ospital si Yvonne. Hindi narin kami nagpapansinan dahil naging awkward na yung sitwasyon. Sa mga buwan na yon, patuloy padin nila akong binubully. May mga times nga na nabuhusan na ko ng malamig na tubig pagpasok ng classroom. Minsan naman e, pinupuno nila ng basura ang locker ko. Sa mga pagkakataong yun, si James lagi ang nasa tabi ko.

Madalas ko ding makita si Dylan sa gym dahil sa basketball practice nila every dismissal time. Madalas ko siyang nakakasalubong pero masasabi ko ng nakapagmove on na ko kahit konti. Hindi na masyadong malakas ang kabog ng dibdib ko, pero aaminin kong kinakabahan padin ako.

Last Quarter na ng school year at pasahan na din ng requirements. Isang teacher nalang naman din ang di pa nagbibigay ng clearance. Music. Papasok na si Sir Israel sa classroom namin. Kaklase ko pala si James, Yvonne at Dylan sa Music Class.

"I'm sorry class, but I have so many things to check and prepare for the incoming Academic Week. I just came here to announce that your last requirement for this school year is you have to make a music video. Class Mayor, read the instructions and take charge." sabi ni sir at lumabas na siya ng classroom. Agad namang pumunta si Jay sa harap para basahin ang instructions.

"You have to make music videos, you will be grouped by partners. The scoring will be individual and by partner. So you will pass 3MVs. Deadline will be next week, Friday." sabi ni Jay at nagbulungan ang lahat. Naghahanap siguro ng partner. -___-"

"Uy! Dylan, partner tayo!" narinig kong sabi ni Yvonne sa may bandang likuran ko.

"Teka lang guys, may note si Sir." sigaw ni Jay mula sa harap.

"Ano daw?" sabi ni James.

"I already grouped you into partners. Please see the paper at the blue folder. Yun nakalagay."

"Aww." sabi ng mga kaklase ko, siguro dahil narin sa disappointment. Oh, well.. papel. Wala akong pakielam. Basta may grade ako -___-"

"Basahin mo na Jay." sabi ng isa kong kaklase. Binasa na niya yung mga partners at hinintay ko nalang matawag yung sarili ko.

"Jay Sabrino and Dimi Tanya."

"Desiree Martinez and Giorge Diomampo."

"Christopher Narciso and Yvonne Fuentes."

blah blah blaaaah. antagal ng pangalan ko *role eyes*

"Nathalie Lopez and Dylan Legaspi." blah bla-- wtf?!

Still Into YouWhere stories live. Discover now