Eleven

253 10 10
                                    

Dylan

September 16, 2015 ; 9:45PM KST

"Attention please, this is the final call Korean Air Flight 0917 to Philippines. Departing passengers should proceed to gate number 17, immediately. Thank you." zero nine, one seven.. Gate no. 17.. ano pa? Ano pa ang magpapaalala sakin kay Nathalie? Bakit lahat nalang ng makita at marinig ko siya ang naaalala ko? Isang taon. Isang taon na kong binabagabag ng konsensya ko. Bakit ba parang kasalanan ko lahat ng nangyari sa kanya?

Mahigit isang taon narin simula ng nawala si Nathalie. Nasagasaan siya ng truck nung gabi ng awarding. Yun ang sabi sa balita, pero ng malaman yun ng mga magulang niya agad silang pumunta sa ibang bansa. Bakit? Bakit sa ibang bansa pa siya kailangan ipagamot? Kasabay nun ang balitang kumalat sa school na ginahasa siya ng walang hiyang James na yun.

"Oy, Dylan. Di ko ata nakita yung ex mong si Nathalie ngayon ah? Alam mo na ba yun kumakalat na balita??" sabi sakin ni Jay, pagkapasok na pagkapasok ko palang sa classroom. Maraming nag-uusap, medyo naririnig ko yung iba. Si Nathalie na naman pinag-uusapan nila. Tss.

"Na-check mo na ba yung underground website?" tanong sakin ni Mike. Tumango nalang ako at binuksan ang website sa phone ko. Nakita ko kaagad ang picture ni Nathalie nung awarding at yung caption. "Campus slut, bumped by a truck. Well good for you, bitch."

"What the hell?" napabulong nalang ako sa inis at pagtataka. Si Nathalie nasagasaan?!

"Hey guys! Guess what? May bago akong nabalitaan." nakita ko si Yvonne papasok ng classroom, may dalang balita pero parang di niya ko nakita. "James Simon was also there where Nathalie was bumped by a car. And he was crying! Sabi niya raw sa police na nirape niya si Nathalie kaya siya tumatakbo at nasagasaan ng truck! Aw, poor Nathalie. Narape na nga, nasagasaan pa--" at napatingin siya sakin. Nakita ko ang gulat sa mukha niya.

"Ano nanaman bang pinagsasabi mo Yvonne?"

"Wait lang, babe. Chill. Don't tell me pinagtatanggol mo yung babaeng yun?"

"The hell, Yvonne! You and Nathalie were bestfriends?! Kung makakalat ka ng balitang ganyan parang wala kayong pinagsamahan ah?"

"So, pinagtatanggol mo nga siya?!"

"Alam mo, Yvonne. Akala ko kilala na kita e. Hindi pa pala."

"So what, you're breaking up with me?"

"Yes, let's break up." at nagwalk out ako sa classroom.

Nakipaghiwalay ako kay Yvonne at simula nun ay kinamuhian ko na siya. Hindi maalis sa isip ko yung sinabi ni Yvonne. Hindi ko alam gagawin ko, hindi ko alam kung totoo ba yung sinabi niya. Di nagtagal at grumaduate na kami.. wala si Nathalie. Si Nathalie na dapat magvavaledictorian speech. Wala rin si James dahil na kick out siya sa school. Hindi nila sinabi ang dahilan.. Bakit??

Nakaupo na ako sa seat ko at kasalukuyan akong pabalik sa Pilipinas. Isang taon ko lang tinake ang course ko na Marketing dito sa Korea. Para daw maready ako sa paghawak ng kompanya ni Dad. Babalik na ko sa Pilipinas, sana masagot ko na lahat ng tanong sa isip ko.. Hawak ko ang phone kong may picture ni Nathalie.. Yung makinis niyang mukha.. Singkit niyang mga mata.. Matangos niyang ilong.. Napangiti ako, yung bangs niyang straight--

"Yah~ Oppa! Wae tteol-eojyeo anj-ayahamnida?!(Kuya! Bakit kailangan sa malayo pa ako uupo?!) Yung boses na yun, kilalang kilala ko yun. Agad akong napatingin sa kanya. At nagulat ako sa nakita ko. "Ugh, nega silheo!" (Ugh, I hate you!) 

"Nathalie?!" sabi ko pagkatapos niyang umupo sa tabi ko. Ah, so. Magkatabi kami. Teka, si Nathalie ba to? Kamukhang kamukha niya, pero.. asan na yung bangs? "Nathalie.."

"Uhm, excuse me?" tinanggal niya yung earphones niya at tinaasan ako ng kilay. "Nathalie, ikaw ba yan?"

"How dare you call me Nathalie?! Do I know you!?" ibang iba, nakuha niya yung mata, ilong, boses, lahat.. pero yung ugali hindi. Ibang iba siya kay Nathalie. Kung anong ikinabait ni Nathalie, siya namang ikinasungit nito. "I'm sorry, I thought you were someone else."

"Babo." (Stupid.) sabi niya at inirapan ako. Tss, anong akala niya di ako nakakaintindi ng Korean =_= Halos apat na oras pa ang byahe.. Matutulog nalang ako..

Nang magising ako, halos nag-aalisan na yung mga tao. Sakto lang, napatingin ako sa oras. 12:03AM na. September 17 na.. Ang first anniversary sana namin.. Sabi ko na e, sana alam niya lang ang dahilan, sana di ko nalang ginawa, sana hindi na nangyari yun..sana..

Napatingin ako sa tabi ko, wala na. Tumayo na ko ng may napansin akong nahulog sa baba. Panyo? Tinignan ko at may nakita akong nakaburda.




NNL.

 ---------------------------------------------------------

Still Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon