Three

326 18 9
                                    

Nathalie

"Pero alam mo, pwede mo kong maging moon."  napatingin agad ako sa sinabi ni James. Hindi ko kasi siya magets e. -____-"

"Ha?"

"Pwede mo kong maging moon.."

"Bakit moon?"

"Ako yung laging nandyan, kapag wala na yung sun mo. Ako yung magsisilbing liwanag mo sa dilim. Ako yung kasama mo sa tuwing naiisip mo na mag-isa ka. Sa tuwing binibigo ka at iniiwan ka ng sinasabi mong araw." agad naman akong umiwas ng tingin sa kanya, pakiramdam ko pulang pula ako nun. Hindi ko na alam kung ano pa ang susunod kong sasabihin. Kasabay nun ang paglitaw ng buwan sa langit.. Bigla nalang akong napaisip.. Bakit nga ba hindi nalang si James ang minahal ko? Bakit si Dylan pa?

"Ah.. eh? Gabi na James, uwi na ko." yun nalang ang nasabi ko at tumayo na.

"Hatid na kita." sabi niya sabay ngiti. Umiwas nanaman ako ng tingin dahil baka mamaya e kiligin na ko dito.

Naglalakad lang kami ng tahimik ng mapansin kong malapit na din pala kami sa street namin. Nakita ko si Yvonne at Dylan na magkasama. Magkalapit lang kasi yung bahay namin ni Yvonne, nakita kong hinalikan ni Dylan sa noo si Yvonne at niyakap niya ito. Pakiramdam ko bibiyakin na yung puso ko dahil sa nakita ko. Agad akong humarap kay James..

"Ah, James. Dito nalang siguro, malapit na yung bahay namin dun oh." pero hindi niya ko sinagot. Sa halip ay niyakap niya ko. Nakita niya si Dylan at Yvonne. Alam niyang nasasaktan ako.

"Let me hug you for a minute.." sabi niya at tuluyan na ngang tumulo ang mga luha ko. "Sabi ko naman sa'yo diba? Ako ang moon mo.. Nandito lang ako para sayo, kahit gawin mo pa kong panakip butas okay lang. Nathalie.. mahal kita." nagulat ako sa sinabi ni James, pero nanatili ako sa ganung posisyon. Ayokong nakikita ako ni Dylan na umiiyak.

"Tara na.. Wala na siya." sabi ni James at tinanggal ko na ang pagkakayakap ko. Pinunasan niya ang luha ko at hinatid na niya ako pauwe.

 ------------------

Kinabukasan, maaga akong pumasok sa school para tapusin ang mga assignments ko. Medyo napuyat din kasi ako kagabi kakaisip sa mga sinabi ni James sakin. Hindi ko tuloy nagawa ng maayos yung mga requirements ko.

Nakita ko si Dylan papuntang gate. Anlakas ng kabog ng dibdib ko. Lalo na nung nagtama ang mga mata namin. Akala ko kakausapin niya ko, pero hindi.. Sa halip ay nilagpasan niya ko para kunin ang bag ni Yvonne.

Ah okay, sige! Ang feeler mo kasi Nathalie e! Manigas ka dyan!

Naglakad na ko paalis. Hay, tatlong buwan na ang nakakalipas, lalo padin akong naiinlove sa kanya!

Natapos na ang tatlong klase ko at pumunta na kong cafeteria para magbreak.

"Uy! Nathalie!" narinig kong sabi ni Yvonne at umupo sa tabi ko. "Long time no talk ah?" habol niya.

"Ah, hehehe. Hi." sabi ko ng awkward. Ang hirap lang kasi non. Yung bestfriend mo ay girlfriend na ngayon ng ex mo.

"Ahm. May sasabihin sana ako sa'yo Nathalie!" sabi niya ng excited.

"Ano yun?"

"Hindi ka ba magagalit?"

"Hm. It depends."

"Ha?!"

"Joke lang. Sira. Oh? Ano yun?"

"Kami na kasi ni Dylan.. last week pa." sabi niya ng may malaking ngiti sa mukha. Bestfriend ko ba talaga 'to? As in, nakakatangina lang. Wala ba siyang pakiramdam? Alam niya namang ex ko si Dylan e? Siguro naman kilalang kilala na niya ko? Siguro alam na niyang hindi pa ko nakakamove on.

"Ah, hehe. Congrats." sabi ko ng may pekeng ngiti.

"Hindi ka ba galit?"

"H-hindi noh! Haha! I'm happy for you nga e."

"Talaga!? Salamat bestfriend!" sabi niya sakin at niyakap ako. Sa totoo lang, ayaw kong pumatol. May sakit si Yvonne at ayokong lumala ito dahil sa stress sakin. Tinuturing ko na ring parang kapatid si Yvonne, at kung papipiliin..mas gusto kong magparaya.

"Ah, hahaha. Sige, una na ko ha? May gagawin pa ko e." sabi ko at tuluyan ng umalis. Pumunta akong gradeschool campus ng school namin at tumambay sa playground. Dito kami madalas tumambay ni Dylan. Dito ko naramdaman ang sparks sa mga mata niya. Dito ko siya natutunang mahalin. At dito ko naramdaman na mahal niya ko..

Pero masakit mang isipin, peke ang lahat ng iyon. Di ko napansing tumulo nanaman ang mga traydor kong luha. Nakaupo lang ako sa swing ng maramdaman kong may yumakap sakin mula sa likod.

"I'm sorry.." naramdaman kong basa ang uniform ko sa bandang balikat. Naaamoy ko na siya. Yun padin ang pabangong gamit niya.

"Dylan.."

"Nathalie, I'm sorry kung nasaktan kita." hindi ko alam kung paniniwalaan ko siya dahil umiiyak siya, o lalo lang akong maiinis kasi bumalik pa siya. Pero sa huling pagkakataon, niyakap ko siya.

"Bakit Dylan? Bakit?"

"Balang araw, maiintindihan mo din ako." sabi niya sakin at hinalikan niya ko. Oo, hinalikan niya ko. Nadala ako ng halik niya. Nararamdaman kong nasasaktan din siya. Pero, una siyang bumitaw.. at umalis.

"Dylan! Ipaliwanag mo naman sakin oh?!" tumigil siya sa paglalakad, pero hindi niya ko nilingon..

"Dadating tayo sa puntong yan, Nathalie.. Basta maniwala ka lang sakin." 

at tuluyan na nga siyang umalis..

 ----------------------------

"When a girl cries over a guy, she really loves him. But when a guy cries over a girl, he will never love another girl like her." - Lil Wayne

Still Into YouWhere stories live. Discover now