Eight

258 16 9
                                    

Nathalie

Maaga akong pumasok sa school at hinintay ko si Dylan sa may lobby. Ayon naman sa peripheral vision ko, may kumukuha sakin ng video. Ah okay, eto na siguro yung sinasabi ni Dylan na hinire niya. Okay, Nathalie.. act normal.

Nakita ko naman si Dylan na kasabay si Yvonne pumasok at hawak ni Dylan ang bag ni Yvonne. Shempresabi ni Dylan act normal..eh di nagselos ako. Napasimangot nalang ako at napatingin sa kanila.

Hay buhay, parang life. Dumiretso na ko sa klase ko at after straight two hours ng physics class ay pumunta na ko sa cafeteria para mag-break. Simula nung nag-away kami ni Yvonne, wala na kong kasabay kumain. Hindi ko naman maasahan si James dahil may tropa din naman siya.

Nakita ko nanaman si Dylan at Yvonne. Tanginanagseselos nanaman ako. Pocha, Nathalie?! Ano bang karapatan mo?! Hay ewan, bigla nalang akong napahilamos sa sobrang ka- ewan! Nagets niyo ba?!

Nauna nalang ako at sumulyap saglit kila Dylan. Ba't kaya nung kami walang ganyan ganyan? Hay. Asa pa Nathalie, sige push mo yan.

Ilang oras nadin ang nakalipas at natapos na ang klase ko. Paalis na sana ako pero bigla ko namang nakita si Dylan at ang teammates niya papuntang gym. Ah, may game nga pala. Nakita ko ang jersey ni Dylan, Number 17. Di ko maiwasang mapangiti. Shet, kinikilig ako hahaha. Ge. Asa pa Nathalie.

Pasimple akong sumunod papuntang gym para manuod ng game, maya-maya nalang siguro ako uuwi. Umupo muna ako sa bleachers na madaming tao para di naman ako masyadong mapansin. Ang daming fans ng team nila Dylan, hindi lang naman kasi siya ang gwapo sa team e. Andyan sina Jason, Mark, Tyson at George.

Nagsimula ang game at leading ang team namin. Nung matatapos na ang second quarter, biglang nawala ang focus ni Dylan at hindi masyadong maayos ang paglalaro niya. Bakit kaya? Napatingin naman siya sa gawi ni Yvonne at James, at doon..nakita ko silang naglalampungan. Kaya pala.. Grabe, mahal talaga ni Dylan si Yvonne. Tsk tsk.

Nagtime-out ang team kaya nilapitan ko nalang si Dylan at inabutan ng tubig, ininom niya yung kalahati at binuhos naman sa ulo niya ang natira. Shet, wet look. Napakagat nalang ako ng labi ko at napangiti.

"Salamat." nakangiting sabi sakin ni Dylan at nginitian ko din siya. "Kaya niyo yanAja! Fighting!" sabi ko sa kanya habang ginagawa ang gestures ng aja at fighting. Haha. Tinawanan niya lang ako at napansin kong bumalik na din yung mood niya.

Bumalik na ang game at maayos na ang paglalaro ni Dylan, nakakathree points pa nga siya e. Ang galing niya talaga *insert day dreaming face here* ~ Agad namang napatingin si Dylan sa gawi ko at kumindat. Shit, nag-iinit ata yung mukha ko T^T Pero epal tong mga katabi ko e, kesyo sila daw yung kinindatan ni Dylan. Nawala tuloy yung kilig ko.

In the end, nanalo ang team nila Dylan. Agad akong pumunta sa kanya at nagfist bump. "Ang galing niyo kanina Dylan! Congratulations!" sabi ko habang nakangiti. Ginulo niya lang buhok ko at gigil na gigil sakin. "Salamat!" sabi niya.

"Ah. Hehesige Dylan! Una na 'ko." pamamaalam ko sa kanya.

Still Into YouWhere stories live. Discover now