Chapter 30

11.2K 184 13
                                    

SHENTEL

It's been two years since Umji died and our life has been peaceful since then. Wala nang gulo at wala nang giyera. The fire has ceased and I'm thankful because finally, the win won't be able to witness how cruel life can be. Where everyone can be your enemy when the time comes.

Our life was never easy. We've been through a lot of ups and downs. Despair, Trouble, Near death, and most especially, fighting over death.

The twin has turned two years old already and they can already talk well kasi hindi namin sila pinalaki ng baby talk. Leo and I, also the people around them, converse as if they are already six years old.

Pinapagalitan ko nga si Aider pag binibaby-talk niya ang mga bata e. Ayoko kasi ng ganon. Baka madala ng mga bata pag tumanda. Mahirap na.

Ngayon, nakahiga kaming dalawa ni Leo sa king bed. Nag-aya kasi na maglaro ang dalawang chikiting sabi ng Tatay doon daw sila sa kwarto nila, e matigas ang ulo mana sa kanya kaya dinala dito sa kwarto namin ang mga laruan nila.

"AHHHH!! GIVE MEEE!" sigaw ni Aliyah habang kinukuha ang walis niya kay Edge. Napunta sa kanila ang atensyon namin ni Leo. Hinaplos ni Leo ang buhok ko kaya naman na patingin ako sa kanya.

Nginitian niya lang ako kaya hindi ko na pinansin. "MOMMYYYY!" Napatayo ako galing sa pagkakahiga sa dibdib ni Leo at napatingin kay Aliyah nang tawagin niya ako.

Aruruuy. Umiiyak ang baby girl ko.

"Bakit? What happen? Why are you crying?"I asked and she just pouted. Kinuha ni Leo at kinarga si Edge pero nagtago lang si Edge sa balikat ni Leo.

"Si Kuya!! Sabi panget!" sumbong ni Aliyah. Kinarga ko si Aliyah at hinimas ang basang likod niya.

"What did he do to you?" tanong ni Leo at pinunasan ang luha ni Aliyah.

"He- he said, Moana is ugly daw!" at umiyak ulit si Aliyah.

Tumingin naman si Edge sa kanya. "I didn't say that! I just said that Moana is black!" pagtatanggol ni Edge sa sarili niya.

"You said it kaya kanina huhuhu!" Binaba ko si Aliyah at nakita ko siyang kinuha ang doll niya na si Moana at pinakita kay Edge. "Ohh look! you said Moana is ugly even if she's not!" Napahawak ako sa ilong ko.

Jusko!

"I didn't say that. I said, Moana is pretty but she's black—"

"See!! You said it again!"

Napa masahe ako sa sentido ko habang nakikinig sa dalawa. "Pwede mag tagalog naman kayong dalawa? Kay ba-bata nyo pang tao English kaagad ang natutunan niyo . Ang hindi mag-ta-tagalog hindi ko papakainin mamaya," sabi ko at humiga ulit sa kama.

"Ikaw kasi, Kuya e!"

"Hindi kow naman kasiw yown sinabih. "

Binuksan ko ang mga mata ko nang may tumabi sa akin. Tumingin ako kay Leo at tinaasan siya ng isang kilay pero ngumiti lang ang loko. "Am I included in that announcement, sweetie?"

"OO KASALI KA! Ikaw ang nagturo sa mga bata mag english kaya hindi ka rin kakain mamaya kung puro ka english-english!"

"But—"

"Aangal ka?"

"No, I won't."

"Boss!" Napatingin kami ni Leo sa pinto nang may biglang pumasok. "Nandito po ang mga magulang niyo," sabi ni Aider at nag salute bago umalis. Nag sigawan ang mga bata dahil sa sinabi ni Aider at dinala ang laruan nila at saka tumakbo papunta kay Aider.

Sold to a Mafia BossWhere stories live. Discover now