Chapter 24

10.1K 213 9
                                    

SHENTEL

Kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan kung tumawag ba si Leo sa akin pero wala ni isang missed call. Umupo ako sa sofa habang nilalaro ang tiyan ko at pinikit ang mga mata ko. I can't move freely na because of my tummy kaya puro higa at upo lang ginagawa ko. Ang bigat rin ng pakiramdam ko and i'm getting weak emotional and physical.

Binuksan ko ang mga mata ko nang bumibrate ang cellphone ko. Tingnan ko yun hoping for his call pero wala. Alarm clock lang pala yun. Pinatay ko ang alarm clock ko at tumayo sa sofa para pumunta sa kusina at magsalin ng gatas.

Nilagay ko ang cellphone ko sa counter habang nagsasalin ng gatas sa baso when I heard a glass shatters from the living room. Tinakpan ko ang baba ng gatas at nilagay yun sa counter bago pumunta sa sala para tingnan kung ano yung nahulog.

My lips parted when their group photo was now on the floor. "Nasa pinakamataas naman to, ba't nahulog..." bulong ko at binukaka ang binti ko para abutin ang picture frame.

I turned the frama para makita kung nabasag ba yun and my brows frowned dahil sa mukha lang ni Leo may basag at kanila Aider ay wala.

Kumalabog ng husto ang puso ko at tumingin sa pinto ng bigla iyong bumukas at niluwa nun sila Aider na nagtutulakan papasok at nagbubulong-bulungan.

"Sasabihin ba natin?" narinig kong tanong ni Aider.

"Baka mag-alala siya—"

"Sabihin ang ano? Anong nangyari, Aider?" Hindi ko mapigilang tanong. Nanlaki ang mga mata nila at napatigil sa pagsasalita para tingnan ako. "Ang ano, Aider?" tanong ko ulit. Kung kinakabahan ako kanina, mas domoble pa ngayon.

Nagkatinginan sila at sinabayan ko sila ng tingin. Doon ko napansin ang malaking eye bags ni Sally na halata mong galing sa pag-iyak. "Si.....si bossing po mam—"Hindi natapos ni Aider ang sasabihin niya pagkatapos kong mabitawan ang hawak kong picture frame. Si Leo...

Kinuha ko ang susi ng kotse at sinuot ang tsinelas ko. Tumakbo ako palabas ng bahay at hinanap ang kotse ni Aider. Mabilis na sumunod sa akin si Aider kasama si Sally.

Sumakay ako doon sa drivers seat pero pinaalis ako ni Aider. "Ako na 'po ang magdra-drive, Ma'am." Napatingin ako kay Aider at tumango.

"S-sige," nauutal na sagot ko. Pumunta ako dun sa backseat at dun naman sa passenger seat si Sally. Kinuha ko yung phone ko at dinial ng dinial ang number ni Leo pero cannot be reached parin.

-*-

Nang makarating kami sa hospital, inalalayan ako ni Sally papunta sa desk. Nanginginig ang mga kamay ko habang naglalakad kami papunta doon kaya kinuha iyon ni Sally at hinawakan ng mahigpit. Tumingin ako sa kanya kasabay nun ang pagpatak ng luha na kanina ko pa pinipigilan.

Mabilis akong niyakap ni Sally at hinaplos ang likod ko. "He'll be fine...." Tumango si Sally sa sinabi ko at naririnig ko ang bawat hikbi niya. Niyakap ko ng mahigpit si Sally at ibinaba ang mukha ko sa balikat niya.

"Leonrew Zefiera?"

Tinanggal ko ang pagkakayakap ni Sally sa akin nang marinig ko ang boses ni Aider na nagtatanong sa nurse na nasa front desk.

"Room 321 po."

Napahawak ako sa tiyan ko at saka kami pumunta sa elevator at hinintay na bumukas ito. Hinawakan ni Sally ng mahigpit ang kamay ko habang hindi tumitigil ang mga luha ko sa pagbagsak. Sabi ko naman kasi sa'yo sasama ako!

"Ma'am...." tawag ni Aider sa akin.

"I'm sorry po." Tinanguan ko si Aider hawak-hawak ang tiyan ko.

Sold to a Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon