Chapter 23

10.5K 198 8
                                    

THIRD PERSON

"Hindi ka pwedeng sumama, sweetie baka may kung anong mangyari sa kambal kung mag pupumilit ka," mahinahong sabi ni Zefiera kay Shentel. Napa buntong hininga naman si shentel at umupo sa kama nila.

"Pero gusto ko..." Tiningnan niya sa mata si Zefiera pero hindi nagpatinag si Zefiera.

"Pag may nangyaring masama sa mga anak natin, hindi ko mapapatawad ang sarili ko. Sweetie please, kahit ito lang." Bumuntong hininga si Shentel at humiga sa kama sabay hawak sa tiyan niyang mag a-anim na buwan na.

"Sweetie? Are you angry? "

"Bakit naman ako magagalit? Kung kapakanan rin naman pala ng baby at ng buhay ko ang iniisip mo?" sagot ni Shentel. Ngumiti si Zefiera at tumabi sa kanya. Hinarap niya si Shentel at hinalikan ito sa noo.

"Thank you for understanding...." sabi ni Zefiera at tumayo. Napahawak naman si Shentel sa tiyan niya at tiningnan si Zefiera na humahakbang palayo sa kanyang paningin.

"Tayo na lang tatlo dito babies..." Buntong hininga ni Shentel at humiga.

Pakiramdam niya naman na may tumitingin sa kanya sa di kalayuan kaya napatayo siya. Nagsimula siya sa pinaka bintana at tiningnan ang paligid. "Wala namang kakaiba..." bulong niya.

Pumunta siya dun sa may veranda at may nakita siyang anino hindi kalayuan.

-*-

SHENTEL

Umatras ako at kinuha yung cellphone ko at dinial ang number ni Leo pero cannot be reached siya. Natatakot na ako at the same time kinakabahan. Muntik ko pang mabasag yung vase na nasa tabi ng kama.

Kung magtatago naman ako malamang hindi ako magkasya.... ang laki na kaya ng tiyan ko. Pumunta ako sa kama at palihim na inasimbol ang baril ko. Nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto.

Pasimple kong pinikit ang dalawang mata ko, pero ang totoo.... kinakabahan pa rin ako. Pano kung pumasok yung mga lalaki na na nasa labas at saktan kami? Nakoooo! magkakapatayan na talaga at mamatay ang dapat mamatay!

"Andito siya, wala ba ang Pervix at Zefiera sa labas?" Narinig kong tanong nung isa. Dinahan-dahan ko ang pagkasa ng baril ko para hindi nila marinig.

"Wala..... siya lang ata ang andito hahaha!"

Napakagat labi ako hindi sa kaba kundi sa galit.

"Kunin niyo na siya—"

"Gumalaw kayo at papuputukin ko tong baril na hawak ko sa pagmumukha ninyo," galit na sabi ko sa kanila. Nabigla naman sila at hindi makagalaw. Tiningnan ko sila ng masama, tatlo lang sila na andito.

Tinutok ko ang baril sa kanila at tiningnan ng pagkasama-sama. "Ibaba niyo yang mga hawak niyo!" Dahan-dahan naman nilang binaba ang mga baril nila at itinaas ang dalawang kamay.

"Good. But Goodbye." Pinaputukan ko sila at tinago ang baril ko. Mabuti na lang at nilagyan ko ng silencer ang baril ko. Napaupo ako sa kama at tumingin sa labas, wala nang mga tao pati yung lalaking nakita ko kanina.

Sabi ko na, sila talaga yung mga lalaki na nakita ko kanina. Ang dumi na tuloy ng kwarto. Puro dugo na

-*-

ROAD

Nasa likuran si bossing at inaayos ang baril niya habang kami naman ay nag patugtog lang ng music para hindi maboring sa biyahe. Sumakay kami dun sa van namin at iniwan na nakapatay ang ilaw sa bahay bago umalis.

Sold to a Mafia BossWhere stories live. Discover now