Chapter 29

10.7K 182 8
                                    

SHENTEL

Nakangiti naming tinitingnan ni Leo ang mga bata. Si Edge kasi kinukusot ang mga mata niya habang si Aliyah, ayun, sleeping beauty. "She's so pretty... manang mana sa'yo," sabi ni Leo. Napatingin ako sa kanya at piningot ang matangos niyang ilong.

"Itong ilong na 'to.Namana ng mga bata," natatawa kong sabi. Natawa si Leo at kinuha ang kamay ko sa ilong niya.

"Well..." sagot niya at hinimas ang matangos niyang ilong. Napakapit si Leo sa kamay ko nang biglang yumanig ang buong hospital. Nakarinig kami ng mga yabag ng paa galing sa labas kaya napaupo ako sa higaan ko at niyakap si Edge sa may dibdib ko.

"Anong nangyayari?" naguguluhan kong tanong kay Leo. Kinuha naman ni Leo si Aliyah sa tabi ko at kinarga sa mga malaking braso niya.

"I don't know, let's go out." Tumango ako sa sinabi niya at hinubad ang oxygen mask sa mukha ko at tumayo galing sa kama at niyakap ng mahigpit si Edge..

Mabuti na lang at nakakahinga na ako ng maayos-ayos ngayon. Salamat sa tulong nung away namin at nagaanan ang paghinga ko at syempre dahil dun sa halik niya.

Biglang bumukas ang pinto kaya kinuha ni Leo ang baril niya at tinutok sa pinto. "Boss." Binaba ni Leo ang baril niya at binalik sa bulsa niya. "Nagsisimula na naman sila..."Nabigla ako sa sinabi ni Sally. Napamura si Leo at tumakbo palabas dala-dala si Aliyah.

Tatakbo rin sana ako paalis nang hawakan ni Sally ang braso ko. "Bakit?" tanong ko sa kanya.

"Kailangan nyo po 'to," sabi ni Sally at binigay sa akin ang baril na hawak niya. I nodded my head. Kahit naka hospital gown lang ako tumakbo rin ako palabas habang karga-karga si Edge at naka-buntot kay Leo.

Tumakbo kami ni Leo sa elevator at mabilis na pinindot ang ground floor. "ZEFIERA!!!!" sigaw ni Umji. Hahabol sana siya pero sumara na ang pinto sa elevator. We waited for the elevator to open the ground floor at saka kami tumakbo palabas.

"SHIT!" narinig kong sabi ni Leo dahil may bumabaril sa pwesto namin. Pagkarating namin sa kotse binuksan ko kaagad ang backseat at nilagay si Edge sa car seat. Lumingon ako kay Leo at binigay niya sa akin ang natutulog na si Aliyah at nilagay sa kabilang car seat.

Kinuha ko ang baril na nasa passenger seat at kinasa iyon. Now I'm holding two guns.

"Ma'am!" tawag ni Gio sa akin na may dalang baril. "Drive them home. Iuwi mo sila kela Mama or sa Pamilya ni Leo! Kahit saan basta malayo at hindi kayo mahuhuli ni Umji." Tumango si Gio sa sinabi ko at sumakay sa driver seat at saka nag maneho paalis.

Hinubad ko ang hospital gown ko kaya napatingin sa akin si Leo. "What's with that dress?" Nakataas kilay na tanong niya, ngumiti naman ako sa kanya.

"Hehehe para akong nasa office diba?" Tinaas baba ko ang dalawang kilay ko kaya napa-irap siya.

"Any kind of dress suits you always..." Namula ako sa sinabi niya at yumuko. Sinuntok ko nang mahina ang mga braso niya.

"ERRR!! Weg ke nge!" Tumawa siya at hinalikan ako sa noo. Napakapit ako sa malalaking braso niya nang may biglang bumaril sa posisyon namin.

"Can't they fucking wait?" naasar na sabi ni Leo at tumingin sa akin. "Let's do this..." he said. I smile and nodded my head.

Binaril ko ang lalaking bumaril sa amin kanina at mabuti nal ang nailagan niya kasi kung hindi, putok ulo niya. Napa buntong hininga ako at lumapit sa kanya. Napatingin naman siya sa gawi ko and I smile when I saw fear in his eyes.

"Z-Zefiera..."

"Feel surprise? We haven't started yet." Tinutok ko sa ulo niya ang baril na hawak ko and sinister smile appears on my lips again.

Sold to a Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon