Chapter 26

10.2K 199 4
                                    

A/N: Hindi ko na pinahaba para mas dama. Charot carrot!

SHENTEL

Nagising ako dahil sa may biglang humaplos sa buhok ko."Are you awake?" kinusot ko ang dalawang mata ko at tiningnan ang humaplos sa akin.

"L-Leo?" tawag ko sa pangalan niya, ngumiti naman siya sa akin.

"Please stay safe..." Pumatak ang mga luha ko habang nakatingin sa kanya, kinuha ko ang mga kamay niya at nilagay sa pisngi ko. Ngumiti naman siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Niyakap ko pabalik si Leo at ngumiti ng malapad.

Hinawakan niya ang tiyan ko at hinalikan iyon. Umupo siya sa kama niya habang nakangiti pero eto ako umiiyak pa rin at hindi makapaniwala na buhay siya at gising siya.

"Le-leo..." Tumingin siya sa akin.

"Yes? Ano yun mahal?" Pumatak ulit ang luha ko. Yumuko ako pero iniangat niya ang mukha ko at hinalikan ako sa noo.

"Don't hurt yourself okay? I'll be back soon. Promise. "

-*-

"Ma'am Shentel, gising napo kayo Ma'am!" Napatayo ako sa inuupuan ko at tiningnan si Luke.

"Luke! nagising si Leo.... kinausap niya ako!" Ngumiti ako sa kanya pero kumunot lang ang noo niya.

"Hindi pa po nagigising si boss, Ma'am..."

"Hi-hindi yan totoo! Nagising siya nakita ko. Na kausap ko siya," sabi ko kay Luke nang nakangiti pero yumuko si Luke.

"Ma'am...." Tumingin siya sa kama kaya napatingin rin ako doon.

Nawala ang ngiti sa labi ko nang makita ko si Leo ng nakahiga pa rin at walang malay. "Na-nakausap ko siya Luke! Nakausap ko siya, at na gi-gising siya!!" Mabilis akong kinulong sa braso ni Luke. Nag unahan na magpatakan ang mga luha ko kaya mas hinigpitan ni Luke ang pagka kayakap sa akin.

"Nakausap ko siya, Luke—" Napatigil ako sa pag iyak nang biglang sumakit ang tiyan ko.

"Ah...Aray...." Napa-upo ako sa couch at hinawakan ang tiyan ko.

"A-ARAAAY!! MA-MANGANGANAK NA AKO!"

-*-

THIRD PERSON

"Push!"

"AHHHHHH!" Hinawakan ni Trexie si Shentel habang inaalalayan sa panganganak.

"Push more, Mrs. Zefiera," sabi ng doctor.

"AHHHHHHH! HOOOF—WOOOHH AHHHHHH!" Napaluha si Shentel sa sakit na nararamdaman niya kaya hinawakan siya sa kamay ni Trexie at bumulong sa tenga nito, "kaya mo yan, Shentel!" Tumango naman si Shentel sa binulong ng pinsan niya at pinikit ang mata bago umere.

"More. Push!"

"AHHHHHH!"

Naglalakihang pawis at luha na ang lumalabas sa noo at mata ni Shentel. Iniisip niya na lang na si Leo ang kasama niya sa loob para magkaroon siya ng lakas loob.

"Push wife!" Napangiti si Shentel nang nakita niya si Leo sa likod nang mga doctor at parang bata na nag che-cheer sa kanya.

"AHHHHHH! WOOO—WOOO AHHHHH!"

"PUSH! I CAN SEE THE HEAD OF THE CHILD. PUSH!" Tumango si Shentel sa sinabi ng doctor at umere na naman. Habang umiire si Shentel, si Trexie naman ay pinupunasan ang malaking pawis ng pinsan at pinapaypayan ito gamit ang kamay niya.

Sold to a Mafia BossKde žijí příběhy. Začni objevovat