Chapter 28

833 20 3
                                    


Chapter 28
Gail's POV

"T-Tita!"  Lumapit ako agad sakanya. Agad din naman nya akong niyakap.

"Gail! Oh my God, matagal rin tayong hindi nagkita pero lalo kang gumanda, dear!"

Napangiti ako.  "Thank you po. Uh, mommy ko nga po pala."

"Ay magkakilala na kami. Syempre!"

Naloka ako sa tawanan ng dalawa.

"Ang totoo nyan, ngayon ko lang nalaman ang balita sainyo ng anak ko. Hay, si Mark talaga. So I came as soon as I heard na kayo na pala."

Bahagya akong namula. Ang saya pala talaga sa pakiramdam ng gusto ka ng nanay ng boyfriend mo para sa anak nya no?

Nag bonding lang kaming tatlo. Ang saya talaga.

-

"Mcdo, eto pa oh."  Natawa ako saka nalang nginuya yung sinubo nyang burger sa akin.

Nandito kami ni Mark ngayon sa paborito naming tambayan. Sa tabi ng dagat.

11 months na kami ngayon ni Mark at malapit na ang First Anniversary namin. Maganda ang mga nangyari. Hindi kami gaanong nagka-problemang dalawa. Kaya nga medyo nag-aalala ako na baka malaking problema ang dumaan sa amin kaya 'ganon. Sana naman hindi. Baka oa lang talaga ako.

Tumunog ang cellphone ko, pero hindi yung Mcdo. Para lang kasi kay Mark yun kaya alam ko agad pag sya ang natawag.

"Sino yan?"  Tanong nya saka pa kumain ng fries.

"Si Gab. Teka."  Sinagot ko yung tawag at ni-loud speaker.

"Hello, Gab?"

(Grabe Gail, kanina pa ako tumatawag sayo. Akala ko naman kung napaano ka na. Okay ka lang ba?)

"Oo naman. Sorry, ha? Busy lang kasi ako kanina. Kasama ko si Mark."

Narinig ko yung pag buntong-hininga nya sa kabilang linya.  (Kaya naman pala. Kinalimutan mo na ako ngayong may boyfriend ka na. Tss. Sige na. Baka nakakaistorbo na ako sainyo. Mag-ingat kayo ha. Pag ikaw napahamak, nako. Bye.)

Hindi na ako nakapag-paalam dahil binaba na nya yung tawag. Tumingin ako kay Mark na nagkibit-balikat lang at nagpatuloy sa pagkain.

"Grabe, siguro kaylangan ko nang hanapan ng girlfriend yung lalaking yun. Ang oa eh."  Natatawa kong sabi.

Uminom lang sya saka seryosong tumingin sa akin.  "Kung sakaling hindi ako yung lalaking para sayo, gusto kong si Gab ang makatuluyan mo."

"A-Ano? Ano ba yang pinagsasasabi mo?"

"What I mean is, malay mo hindi pala tayo? What if you belong to someone better? Paano kung mawala ako? Atleast panatag akong kay Gab ka mapupunta, everyday is so special when I'm with you Gail and you know that. Sa bawat araw hindi natin alam kung anong mangyayari. What if sa isang snap mawala bigla ang lahat?"

"Bakit ba para kang mamamaalam dyan sa tono mo? Nababaliw ka na ba?"  Sinubukan kong tumawa pero hindi ko magawa.

"Sabi nga ng iba, diba? Walang forever. Malay mo, hindi pala ako ang Soulmate mo? Hindi pala tayo ang end game."

Niyakap ko sya ng mahigpit.  "Hindi mangyayari yun Mark, kasi alam kong tayo, may tayo hanggang pagtanda natin."

Kinagabihan. Nandito kami sa likod ng sasakyan nyang nakataas ang bubong. Nag s-stargazing kaming dalawa.

Mahigpit ang yakap ko sakanya at ganun din naman sya sakin. Ewan ko ba, parang ayoko syang pakawalan. Parang ayoko nang matapos ang araw na 'to.

"Mahal na mahal kita, Gail."

Lalong humigpit ang yakap ko sakanya.  "Mahal na mahal din kita, Mark. Mcdo."

Nakatulog ako at nagising na nandito na ako sa kama ko. Ewan ko, wala yata akong gana ngayong araw.

Kinuha ko yung picture frame sa tabi ng kama ko. Picture namin ni Mark. Niyakap ko lang yun at tinitigan, pagkatapos ay ipapatong ko na sana pabalik pero biglang nadulas sa kamay ko, bumagsak at nabasag.

Agad agad akong tumayo ng kama at pinulot yung bubog, wrong move. Nasugatan ako. Masakit pero niligpit ko pa rin yung nagkalat ng basag. Sht, diba masamang pangitain ang ganito?

Napailing ako. Hindi naman siguro.

Naligo ako at bumaba para mag breakfast pero hindi lang ako naka-kain ng matino. Hindi yata maganda ang pakiramdam ko. Hindi rin ako mapakali. Ugh.

"Sweetie, nag di-diet ka?"  Lumingon lang ako kay daddy at pilit na ngumiti.

"Hindi po dad. Wala lang po yata talaga akong gana."

Umakyat na ako ng kwarto ko at humiga sa kama. Wala talaga ako sa mood ngayon.

Kanina pa rin ako patingin-tingin sa cellphone ko. Nakakapanibago kasing walang text na kahit ano si Mark. Ano kaya ginagawa nun?

Ilang oras pa, wala na talaga akong magawa, kanina pa ko tense pero di ko alam kung bakit. Ano bang meron at hindi ako mapakali?

Halos mapabalikwas ako ng nag ring ang phone ko. Syempre, alam kong si Mark 'yon dahil sa ringtone.

Mcdo Calling...

Sinagot ko kaagad ang tawag.

"Hello Mcdo--"   Pero imbis na boses ni Mark ang marinig ko, basag na boses na halatang galing sa iyak na boses ang sumagot.

(H-Hello Ate Gail?! S-Si Yana 'to.)

SoEulmates [EDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon