Chapter 11

1.1K 29 0
                                    


Chapter 11
Mark's POV 

"Hey, what's wrong with her?"  Tanong ni Ace.

Hindi ko na nasagot si Ace dahil tumakbo na rin ako para sundan sya.

"Gail!"

"Leave me alone."  She said without even looking at me! Ugh. Girls and their dramas.

"No. I wont."  Hinawakan ko sya sa braso pero agad nyang tinanggal yung kamay ko.

"Go away."  I just don't get girls. Suyuin mo, nagagalit. Wag mong suyuin, mas nagagalit! Masyadong pa hard to get. Men have feelings too. Akala ba nila sila lang?!

"Come with me."

"Ayoko!"

"Tsk. Ang tigas talaga ng ulo."  Hinila ko na sya bago pa man sya makapalag ulit. Pumunta kami sa kotse ko.

"Bitawan mo ko! I said I want to be alone!"  Hindi ko sya pinansin.

"Sit."

"Ano ako? Aso?!"

"Just sit!"  Napasapo nalang ako sa noo ko saka tinuro yung hood ng kotse ko. Umupo naman sya kaya umupo na rin ako sa tabi nya.

"Now what?"  Tanong ko sakanya.

"Anong now what?! Eh ikaw nga 'tong bigla-bigla nalang nanghihila!"

"Iiyak ka nalang?!"  Iritadong tanong ko sakanya. Wala na kasi yata syang alam na gawin kundi umiyak nalang!

"Ano bang sinasabi mo?!"

"Iiyakan mo nalang sya ngayon?! Tsk! Diba sabi mo matagal na kayong wala? Eh bakit hanggang ngayon iniiyakan mo pa rin sya?!"  Naiinis kong sabi. Hindi ko nga rin alam kung bakit ba ako naiinis ng ganito! Nakaka-asar na rin kasi talaga sya!

"It's not that easy."  Saka sya yumuko. Napabuntong hininga nalang ako.

"It's easy as abc. It's just that you can't let go of him that's why it is hard for you."

"You've never been inlove..... kaya mo nasasabi yan."

Hindi pa nga ba? Hindi pa ba tinatawag na love ang nararamdaman ko ngayon? Ugh. This complicated shit called love. Pambihirang buhay!

"Kung iiyak ka nalang ng iiyak, wala ring mangyayari. Mapaghihiwalay ba sila ng luha mo? Mababalik ba lahat sa dati ng iyak mo? Hindi diba? You should....You should move on, Gail."

Gail's POV
Hindi ko alam pero lalo lang akong napaiyak sa mga sinabi nya. Tama sya, tama si Mark. Kung iiyak lang ako ng iiyak lalo lang akong hihina. 

Hindi na maibabalik ng iyak ko yung mga panahon na magkasama kami. Nagsasayang lang ako ng luha sa kanya. Tama nga. I SHOULD MOVE ON.

Pinunasan ko yung luha ko saka humarap sakanya.  "Akala ko kasi dati okay na ako, pero..." 

"Pero ano?"

"Pero nung marinig ko na yung sinabi nyang kaybigan nya lang ako, dun lang talaga ako nasaktan ng sobra."

"I can't believe you loved an asshole."  Napatingin ako sakanya. Tama naman sya. Bakit ba kasi ako nagmahal ng gago'ng tulad ni Kheen?

"Ang tanga nya na pinabayaan nya lang ang babaeng tulad mo na mawala."

Nagulat ako sa sinabi nya. Hindi ako nakapag react agad.

Tumingin ulit sya sa akin saka ngumiti.  "Ok ka na ba? Tara na?"

"Ayoko. Ayoko nang bumalik dun."  I said. Ayoko, baka kasi masaktan lang ako ulit kung makikita ko sila. Hindi pa yata sa ngayon.

"How can you move on kung hindi mo susubukan? Isa pa baka madalas na rin kayong magkita dahil kay Lee diba?"

"Wag lang muna ngayon, please?"

Bumuntong-hininga nalang sya saka ngumiti.  "Ok."  Saka nya ginulo yung buhok ko.  "Gusto mo samahan nalang kita?"   Tumango ako, lagi naman kaming magkasama kaya okay lang.

Mark's POV

"What's up? What happened?"

"Bakit hindi na kayo bumalik?"

"Saan kayo pumunta?"

"Nagdate kayo no?"

"Magsitahimik nga kayo! Hindi kami nag date! Tsk."  Iritadong kong sagot sa dalawang 'to saka uminom.

"Eh saan pala kayo pumunta?"  Pangungulit pa rin ni Ace.

"Sinamahan ko lang kasi nga may problema yung tao."

"Edi ganun na din yun."  Sinamaan ko nalang sila ng tingin. Ang kukulit ng mga 'to. Bwisit.

"Hindi yun ganun kasi mahal pa yata nya si Kheen."

"WHAT?! SI KHEEN?!"  Napapikit ako ng mariin. Sht, hindi nga pala nila alam.

"Ex nya si Kheen."  Sabi ko nalang. Hindi rin naman ako titigilan ng dalawa 'to kung hindi ko sasabihin.

"Ex nya yung gago'ng yun."

"Eh bakit galit ka? Nagseselos ka no?"

Hindi ako nakasagot. Uminom nalang ulit ako.

"Anong hindi ka dyan?! Halata naman. Dude, aminin mo nga samin, gusto mo na ba si Gail?"

"Ano bang pinag sasasabi nyo?"

"Aminin mo na. Matagal ka na naming kilala mark kaya hindi mo kami mapagtataguan ng sikreto."  Sabi ni CK habang nakaakbay sakin. Inis kong tinanggal yung kamay nya sa balikat ko at sumagot.

"Tigilan nyo na ako. Eh ano naman ngayon?!"

"So, gusto mo na nga sya?"

"Make it clear then."  Napasabunot ako sa buhok ko. Bakit nga ba ako mayroong ganitong kagugulong kaybigan?

"I think I'm falling for her."  Sabi ko saka ako huminga ng malalim.

"Yown! Finally, bro!"  Tuwang-tuwang uminom ang dalawa. Tsk.

No, I've fallen for her. Iba nga lang ang lumabas sa bibig ko bago ko pa man yun masabi. And it's just that, hindi pala talaga madaling sabihin yung mga ganitong bagay sa mga kaybigan mo lalo na't mga loko-loko sa babae 'tong mga 'to samantalang ako, this is the first damn time in my life.

"So dude, anong balak mo?"

"Balak? Wala akong balak."

"Ano tutunganga ka nalang ba? Hindi mo ba liligawan?"

Ofcourse, sumagi na yun sa isip ko. Kaso kasi kaybigan ko sya, baka mailang sya sakin. Knowing that girl, baka nga hindi pa sya maniwala kung aamin ako sakanya at isiping pinagti-tripan ko lang sya, at ayun ang ayaw kong isipin nya. I won't play with woman's heart, never.

"Ayokong lumayo sya sakin."

"Subukan mo muna? Ano ba yan?! Bilisan mo kaya baka ma fall pa sya ulit kay Kheen."   Sinamaan ko sya ng tingin. Inuutusan nya ba ako?! Tsk!

"Oo nga naman!"  Kantyaw pa ni Ck.

Hindi ko pa alam. Aish.

SoEulmates [EDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon