Chapter 14

1.1K 25 0
                                    


Chapter 14
Gail's POV

Napabitaw ako sakanya ng sabihin nya yun. Tumitig lang ako sakanya. Nagbibiro ba sya?!

"Ang tagal naman nung 'joke'?"   Hindi sya sumagot saka tumitig lang din sakin pero maya maya nagsalita na rin sya.

Bumuntong hininga muna sya.  "Labas nalang tayo."

"Nasa labas na tayo ah?"   Bigla syang sumimangot saka ako pinitik sa noo! Ang sakit!

"Joke lang eh! Saan ba tayo pupunta?"

"Basta."   Naglakad na sya kaya wala naman akong choice kundi sundan nalang sya hanggang sa makarating na kami ng sasakyan nya.

"Saan tayo pupunta?"  Tinignan ko sya kasi hindi naman sya sumagot. Okay. Nice talking.

Nanahimik nalang ako hanggang sa huminto kami sa tapat ng isang club. Wtf? Anong gagawin namin dito?!

"HOY!! Anong ginagawa natin dito?! Mark!!"  Pero hindi nya ako pinansin at may kinuha syang bag dun sa kotse nya at hindi ko alam ang laman!

"Anong gagawin natin dito?!"

"Pasok na tayo."   Napaka nice talking talaga!! Nauna na syang naglakad pero nilingon rin ako ng hindi ako sumunod kaya bumalik sya saka ako hinila. Teka, para akong kinabahan nung hinawakan nya ako!

Pagpasok namin ng club, hindi ko naman expected na ganito kaganda dito. Mukhang mamahalin at mayayaman naman ang mga tao dito.

May nakanta doon sa gitnan ng stage. Pagtapos kumanta nung lalaki, nagulat ako dahil nilapitan nya yun saka binulungan. Tumango naman yung lalaki saka umalis ng stage. Teka...

"Para sa babaeng kasama ko..."  Tinignan nya ako saka sya ngumiti. B-Bakit ba... Nevermind. Nagpatuloy nalang syang nagsalita.   "Ayoko nang makita kang umiiyak ng dahil sakanya. He's not worth it. You deserve to be happy. And I want to make you happy."

Nagsimulang magbulungan yung mga tao, pero hindi ko na narinig at inintindi yung mga sinasabi nila dahil sya lang ang nakikita ko ngayon.

Maya maya ay inilabas na nya yung laman ng bag nya. Napakunot ako ng noo. Saxophone?! Marunong syang mag saxophone?!

Gulat pero tahimik nalang akong nanuod ng pagtugtog nya. Sobrang nakakarelax sa pakiramdam yung tunog. Pakiramdam ko isang professional yung tumutugtog. Bigla syang namulat mula sa pagkakapikit nya, feel na feel nya kasi yung tugtog. Tumingin sya sakin habang tumutugtog. Gusto ko mang alisin yung tingin ko sakanya ay di ko na nagawa. Parang hinihila nya yung paningin kong tumingin sakanya eh.

Pagtapos nyang tumugtog ay pinapakpakan sya ng mga tao. Nakangiti syang nag vow sakanila saka bumaba sa stage at lumapit sakin. Bumalik na rin naman yung singer kaya wala na rin yung atensyon sa amin.

"Ok ba?"   Nakangiti nyang tanong sakin saka umupo sa tabi ko.

"Ang galing mo."   Napangiti sya lalo sa sinabi ko.  "Ok ka na ba?"  Tanong nya ulit. Ngumiti ako sakanya saka tumango.

"Buti naman."

"Thanks to you."

"No problem."   Saka sya ngumiti ulit. Ngayon ko lang napansin, gwapo pala si Mark no? Lalo na kung nakangiti lang sya lagi.

"Tara, ihahatid na kita."   Ngumiti nalang ako saka tumango.

Pagbaba namin sa sasakyan nya ay naabutan namin si mommy sa labas.

"Good evening po tita."  Bati nya saka sila nagbeso ni mommy.

"Oh, inabot na yata kaya ng gabi ngayon, ha?"

"Ito po kasing pasaway nyong anak eh."  Tinaasan ko sya ng kilay ng ituro nya ako.

"Ako?! Bakit naman ako?!"

"Oh Gail tama na yan! Pasensya ka na Mark kung naiistorbo ka na masyado netong ni Gail."

"Mommy!!"  Pinandilatan lang ako ng mata ni mommy kaya nanahimik na ako. Maduga! Bias!! Ako ba yung anak nya o si Mark? Ako dapat kampihan nya eh!!

"Nako wala po yun tita. Nakakaya ko pa naman po itong hard headed girl na to eh."  Dinuro pa nya yung noo ko!! Nakakainis dahil hindi ako makaganti!!

"Pasensya talaga ha. Maghapunan ka muna sa loob."   Tignan mo!! Ako itong anak pero nauna pang yayain ng meryenda si Mark! Siguro crush ni mommy si Mark no?

Pumasok kami saka agad na inasikaso ang pagkain. Nagbihis muna ako sa taas saka sumunod sa kusina.

"Tita, saan pa kayo umorder neto? Masarap."  Tanong ni Mark saka ulit sumubo ng lasagna nya, napansin ko naman yung sobrang lawak na ngiti ni mommy. Nako nako.

"Nako! Gail, ikaw nga magsabi!"  Tuwang tuwa pang utos sakin ni mommy. Napairap nalang ako.

"Luto ni mommy yan."  Simple kong sagot.

"Talaga tita?! Wow! Wala akong masabi."   Wala daw masabi pero may sinabi naman! Tss. Sipsip!

-

"BESSSYYYYYYYY!!"

"Oh bessy? Ang aga-aga ang ingay mo."   Sinimangutan ko sya, nagsalita naman ang tahimik diba?!

"Ok. Edi hindi ko nalang sasabihin sayo yung tungkol kay David ngayon."

"OH?! ANONG MERON?!"

"Ano ba yan bessy! Ang aga-aga ang ingay mo!"  Sabay irap ko sakanya. Bumawi lang!

"Joke lang naman yung kanina eh! So ano na nga yung balita?!"   Tinignan ko na muna sya ng masama saka ngumiti.

"MAY CONCERT SYA!!"  Saka kami sabay na tumili!

 Crush na crush kasi namin sya ni bessy!! Waaaaaaaa!!

"Ingay."

"Tong mga babaeng to. Bakit kaya magkakaugali kayong lahat no?"  Ginatungan pa ni Kier.

Tinaasan ko nalang ng kilay tong dalawang to. Panira ng araw!!  "Eh kayo ngang mag bestfriend parehas na din kayo. Tsk."

"Oo. Parehas kaming gwapo."   Sabi pa ni Kier saka naman sila nag apir ni Mark!! Kakapal ng mga mukha!! Tsk.

"Tsk. Dyan na nga kayong dalawa."   Hinila ko nalang si Kim papunta ng room.

Pero agad naman akong napahinto pagbukas ko palang ng pinto. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa taong nakita ko sa loob. Pakshet.

"Oh bakit, anong mer--what the hell?! What the fuck is he doing here?!"

SoEulmates [EDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon