Chapter 4

1.6K 38 1
                                    


Chapter 4
Mark's POV

Sinundan ko sya. Pumunta sya ng rooftop kaya tinignan ko nalang muna sya doon. Pero nagulat ako ng maya-maya ay narinig ko yung paghikbi nya. Wait, is she crying?

"Gail."

"Wha-What are you doing here?"  Dali-dali syang nag punas ng luha nya. 

"Sinundan kita. You seem so problematic the whole day."

Bumuntong hininga sya saka umiwas ng tingin sa akin. Pumasok rin ako ng rooftop.

"What's the problem?" 

"Nothing."

"Meron kang problema. Kanina ko pa napapansin. You can tell me."   Ano bang pake ko? Kaylan pa ko naging concern sakanya?

"Can tell you ka dyan? Bakit? Close ba tyo?!"  Hindi ko maiwasang mainis na naman sakanya. Paano nyang nagagawang mag-sungit kahit ganyang may problema sya? Babae talaga.

"Well, you can trust me anyway."

"Wala nga lang to. Wag kang makulit."  Ako na nga 'tong concern, ako pang makulit?

Nakapwesto sya sa sulok. Parang naaawa ako sa kanya na hindi ko maintindihan kaya nilapitan ko sya at umupo sa tapat nya. Pinat ko lang yung ulo nya. 

"Just tell me, you can trust me okay?"  Ngumiti ako sakanya. If this is the only way para magtiwala sya sa akin at mabawas-bawasan kahit papaano yang dinadala nyang problema, okay lang naman.

"Baka magsisi ka?"  Tinaasan nya ako ng kilay. Ginaya ko nalang yung expression nya.

"At bakit naman?"

"Pero hindi ka nga magsisisi pag sinabi ko sayo?" 

"Nope."

"Then promise me."  Pinky finger? I didn't know she does such a thing.

"Promise."

Saglit syang nanahimik saka ulit yumuko. Tinignan ko lang sya hanggang sya humikbi na naman sya.

She's crying again and this time, mas malakas pa yung iyak nya, iyak bata! Nagulat ako sa kanya, sya kasi yung tipo ng babaeng hindi ko alam kung makikita kong umiiyak. 

Baka may makarinig pa samin dito, akalaing pinapaiyak ko sya. Shit! Pinapatahan ko sya pero ayaw tumigil. Nag please sign na ako sa kanya. Nagsisisi na nga ako!

"Please tumigil ka na! Baka may makarinig pa satin dito akalaing pinapaiyak kita."

"Tsk. As if I care." 

"Ano ba talagang problema?"  Malumanay kong tanong sa kanya.

"Bakit ba sila ganun?"

"Sino?"

"Sila. Bestfriend ko pa man din siya pero hindi ko akalain na magagawa nya sakin 'to? Ganun nalang ba talaga kadaling kalimutan yung mga pinagsamahan namin?"

Ano bang sinasabi nya? But whatever it is, I want to listen.

Why am I so interested anyway? Problema nya na yun. 

Tatayo na sana ako ng bigla syang magsalita.

"Tsk. You're leaving me too right?"  Tapos bigla syang humarap sakin. Nakayuko nga kasi sya kanina.

"Ok lang. Sanay naman na ako eh."  Sabi pa nya.

"Here."  Then tumalikod ako sa kanya  "Pagbuhusan mo nalang ng galit yang likod ko." 

"A-Are you sure? Malakas ako."  Narinig ko yung bahagya nyang pagtawa.

"Yeah."

Hindi na ko nag salita, nakinig nalang ako. Naaawa kasi ako sa kanya.

SoEulmates [EDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon