Chapter 10

1.1K 28 0
                                    


Chapter 10
Gail's POV 

"Ako na."  Sabay agaw nya sa mga dala ko. Medyo marami kasi ang buhat ko at ang bigat pa.

"Wag na nakakahiya naman, sinamahan mo na nga ako eh." 

"Tsk, kaylan pa nauso ang hiya sayo?"  Sinimangutan ko sya.

"Edi sayo na. Tss."  Binigay ko na sakanya yung mga pinamili namin sa NBS.

"Tara kain muna tayo. Saan ba gusto mo?"  Tumingin ako agad sakanya.

"Bakit? Libre mo ba?"  Natatawa kong tanong. 

"Tsk, napakapulubi talaga. Oo na!" 

"Naks! Starbucks tayo!"  Nako, bihira lang tong manlibre kaya sulitin na!

"Aba aba starbucks pa gusto mo ha?"

"Pinapa-pili mo ko tapos ngayon ayaw mo naman?"  Sumimangot ulit ako. Hindi naman ako matitiis nyan ni Mark.

"Sige nalang."  Odiba? Hahaha.

Pagtapos namin sa Starbucks ay nag ikot pa kami saglit. Napatigil lang ako ng may nadaanan kaming cake shop.

"Wait lang ha."

"San ka pupunta?"  Di ko na sya sinagot at tumakbo papunta doon.

Tuwang-tuwa ako dahil mukhang masasarap yung cake doon. Pinili ko yung chocolate dahil ito yung paborito ni Yana.

"Ano yan?"  Salubong ang kilay nyang tanong sakin.

"Cake? Di ba obvious?"

Sinamaan nya lang ako ng tingin saka na kami bumyahe pauwi.

"Daan muna ako sainyo."  Napatingin sya sakin pero bumalik din sa kalsada ang tingin nya.

"Bakit?"

"Para kasi 'to kay Briana."  Sabi ko nalang.

"Gumastos ka pa." 

"Ok lang yun."  Hindi na sya sumagot kaya tinignan ko sya. Yung isang kamay nya ay nakahawak sa manibela at yung isa ay naglalaro sa labi nya. Bahagya syang nakangiti.

Pag dating namin, sumalubong agad sakin si Briana.

"Hi ate ko!"  Niyakap nya ako agad. Sa loob kasi ng isang buwan, naging close kami agad.

"I bought you a cake!"  Nakangiti kong sabi sakanya.

"Talagaaaaa?! Favoriteeeeeee!!"

"Stop shouting! Magsama nga kayong mahilig sumigaw dyan."  Padabog syang umakyat, kj talaga.

Nagkibit-balikat nalang kami saka dumiretso sa kusina para sa cake.

"Ate."  Tumingin ako sakanya habang nasubo ng cake. 

"Hmm?"

"I really like you for my kuya."  Muntik na akong mabilaukan doon, buti hindi nya napansin.

"Magkaybigan lang kami ng kuya mo."

"It's ok ate Gail, everyone starts with friends."  Nakangiti nyang sabi sakin. 

"At anong alam mo dyan ha? Bata ka pa."

"Naririnig ko lang, but I really do like you to become my future ate."

-

Linggo. May gala kami ngayon. Ako, Mark, CK, Ace, Lee at ang boyfriend nya. Sa isang buwan na lumipas, ngayon lang namin sya makilala kaya naeexcite ako. Si bessy at Kier kasi kay sarili na namang lakad!

"Nasaan na ba sila?"  Tanong ng ever masungit na si Mark. Kanina pa rin kasi kami naghihintay.

"Malapit na daw. Hintay din kasi."

"Tsk."

"Chill bro."  Sabi sakanya ni Ace.

"Oo nga! Tss."  Kanina pa kasi nagrereklamo yan. Ayaw nya daw ng naghihintay! Daming alam!

"Oh nandyan na pala si Lee eh!"  Nakangiti kong sabi. Lumapit sya sa amin.

"Oh nasan na yung boyfriend mo?"

"Sorry late kami. May bibilhin lang daw." 

"Ok, san tayo?"

"Kain, nagugutom na ako."  Sabi ni Mark, nagutom yata kahihintay.

"Sige, saan?"

"Sizzling plate!"  Nagkatigin kami.

"Wow, pinag usapan nyo?"  Natatawang tanong ni Ck.

"Favorite. "  Sabay na naman naming sagot. Natawa ako. So parehas kami ng paborito?

"Niloloko yata tayo ng dalawang to eh? Nag usap to eh."  Sabi na naman ni Ck.

"Ayiiee! Alam nyo ba na isa lang ang ibig sabihin sa mga ganyang incidents?"  Tinignan ko si Lee na nakangiti.

"Ano?"

"Edi Soulmates!"  Soulmates? Daming alam.

"Tsk, pauso. Tara na gutom na ako."

Gaya ng napag usapan, kumain kami sa sizzling plate. Pagtapos ay umupo muna kami habang naghihintay sa boyfriend ni Lee na kakatext lang daw.

"Moo!"  Napatingin kami kay Lee na lumapit sa lalaki at lumapit din sila samin. Yung boyfriend nya ata.

Nanlaki ang mga mata ko ng tuluyan kong makita yung lalaki. Hindi ako halos makagalaw. Para akong binuhusan ng malamig na tubig.

"Kheen."  Halos pabulong ko nang banggit sa pangalan nya.

"Gail."

"Magkakilala kayo?"  Gulat na tanong ni Lee.

"Yeah. Uh, magkaybigan kami dati."

Kaybigan? Sabagay, ganun naman talaga kami dati...bago nya sinira yung buhay ko.

Bakit ganun? Bumabalik yung sakit? Bumabalik yung mga naramdaman ko nung niloko nya ako? Bakit? Bakit kaylangan ko pang maramdaman ulit ito?

Matagal na rin pero ganito pa rin yung sakit. Tumagal rin kami ng isang taon. Pero isang taon na rin naman kaming hiwalay kaya bakit ganito pa rin? Bakit?

"G-Gail, are you okay? Why are you crying?"

Shet. Umiiyak ako?

"Ha? W-Wala."  Tumakbo nalang ako. Palayo sakanila. Sa mga kaybigan kong nagpasaya sakin, at sa lalaking nagpaiyak sakin ng sobra.

SoEulmates [EDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon